KUNG ang ibang nanay ay pinagbabawalan ang kanilang mga anak na lalaki na maglaro ng baril-barilan, iba naman ang style ni Kris Aquino. Hinahayaan lang daw niyang humawak ng toy guns ang bunsong anak na si Bimby.
Sa isang episode ng Kris TV, binisita ni Kris kasama ang favorite niyang si Kim Chiu ang ilang tindahan ng laruan sa Divisoria para na rin sa nalalapit na Holiday season.
At dito nga nakita ng TV host-actress ang sandamakmak na toy guns. Tuwang-tuwa si Tetay nang malamang ang mumura ng mga baril-barilan doon at una nga niyang naisip ang anak na si Bimby.
Unang nakita ni Kris ang mga plastic water toy gun, “Ay, ang saya nito…magkano yung ganito?” Na sinagot naman ng tindera ng, P40 kada isa. As in parang feeling bagets uli sina Kris at Kim habang iniikot ang nasabing toy store.
Hanggang sa mapunta na sila sa mga toy guns, nanlaki bigla ang mga mata ni Kris, “Ay ito yung mga baril-barilan, policeman-policeman. Magkano to?” Sey naman ng may-ari ng tindahan, “Mura lang yan, 40 pesos lang.”
“Pero ayoko nang binabaril talaga baka kasi may pellets-pellets, delikado, baka makabulag pa siya (Bimby). Ito na lang (sabay turo sa mga baril na sounds lang ng putok ang lumalabas).
Uy, sorry ha, huwag n’yo akong pagalitan ha, na violent games ang gusto ko, pero trip talaga ni Bimb, e. Hayaan na lang. Ito nga pa-try nito (sabay turo sa isa pang baril-barilan na tumutunog).
Ay ito pang isa, ang saya nito, grabe! Naku, baka sabihin na talaga nila, ano bang klaseng nanay ito! Ha-hahaha!” Sa interview kay Tetay, sinabi nitong pumapayag siyang maglaro ng toy gun si Bimby dahil mahilig daw talaga ang bagets, lalo na sa mga computer games, hinahayaan lang daw niya ang anak dahil, “Only because responsible gun owner naman si tito Noy, and parati namang ine-explain sa kanya, paulit-ulit na…kasi nakikita niya sa mga security guards at sa PSG, so, ine-explain sa kanya na they’re soldiers and it is part of their job to carry guns, na dumaan sila matinding training and all.
“And you know, sabi niya, ‘I want to be a soldier mama.’ Ang cute, di ba? Tsaka sabi nila, the more na pinipigilan mo ang bata, the more na nagiging atat sila, so, i-guide mo na lang nang tama,” paliwanag pa ng Queen of All Media.
Naikuwento rin ni Tetay kapag nagdarasal na sila sa gabi, “Kasi sa school ine-encourage sila na mag-lead ng prayer, so sa bahay sa gabi take turns sila.
Si Josh sabi, ‘Please help me to sleep early so that I won’t be a zombie and tomorrow I can workout well. And please help kom to do q good job.’
“Si Bimb, ‘Help Mama to stay healthy, and beautiful and sexy.’ O, di ba? Ha-hahaha! Meron pa siyang, ‘Help my tito Noy to do a good job for our country, ang make the guards of my tito Noy brave so that they can defend him.’
As in hindi ko kino-coach, yun ha. So, sabi ko, saan nanggagaling? Tapos may pahabol pa siyang, ‘And please don’t make me makulit anymore.’ May ganu’n siya talaga,” litanya pa ni Kris.
( Photo credit to Google )