Neil Coleta tatay na: Sobrang sarap sa feeling, mahal na mahal kita Jazmin…

Chin Kee, Neil Coleta at Baby Jazmin

TATAY na ang magaling na character actor na si Neil Coleta.

Masayang ibinalita ni Neil sa madlang pipol ang pagdating ng panganay na anak nila ng kanyang partner na si ChinKee Jazmin Chinnei sa pamamagitan ng social media.

Ipinost ng Kapamilya actor sa Instagram ang litrato nila ni Baby Jazmin kasabay ng pagpapasalamat dahil maayos at  ligtas siyang naisilang ni Mommy Chin na dating dancer sa “Wowowin.”

“Salamat po Panginoon sa normal delivery ni Chin kay baby Jazmin… hirap explain ng nararamdaman pero sobrang thankful dahil binigay nyo sya sa amin…

“For me pinakamagandang blessings sa buhay ko ‘to and samin ni Chin. Mahal na mahal kita Jazmin at lahat gagawin ko para sa inyo ng mommy mo,” ang caption ni Neil sa Instagram photo nila ng anak.

Ayon pa sa bagong celebrity dad,  “Masasabi ko lang sobrang sarap sa feeling parang nawawala lahat ng pagod at stress mo sa unang kita mo sa kanya na naka ngiti…hahaha. hindi ko man kakulay char.”

“Welcome to the world our baby Jazmin. Abangan nyo nalang vlog namin simula nung nalaman namin na buntis sya up to know. salamat po ulit Lord God,” aniya pa.

Bago isilang si Baby Jazmin, nag-post pa si Neil sa IG ng litrato nila ni Chin habang hawak ang resulta ng kanilang sonogram, “So excited to meet this little person who is half me and half the one i love.

“‘A great adventure is about to begin.. ‘JAZMIN CHINNEI’ I love you @chinkeenini02 konti nalang lalabas na siya.. andto lang ako lage sa tabi mo,” sabi pa ng aktor.

Sa isa namang appreciation post ni ChinKee para kay Neil, pinasalamatan niya ang ama ng kanyang anak dahil sa kabaitan nito at pagiging responsableng partner in life.

“Salamat sa sobrang pagmamahal na binibigay mo samen ni Jazmin at pag aalaga.

“Thank you kasi ikaw yun taong binigay saken ni Lord na matagal ko ng pinagdasal at hindi lang ikaw ang binigay ni God kundi dalawa kayo ni Jazmin.

“Konting kembot nalang lalabas na sya, mahahagkan na naten si Baby. 9months ko syang dala dala pero ikaw yun kamukha. Galing diba? Haha!

“Sobrang thankful, grateful at blessed ako kasi binigyan nya ako ng partner na ginagawa ang lahat di lang para saken kundi para na din kay Baby.

“Ikaw yun taong binigay nya saken na sobra pa sa sapat. alam mo naman yan na kahit saan o ano man lagi ako naka suporta sayo,” mensahe pa niya para kay Neil.

Read more...