Bea super excited nang makabisita sa bahay ng DongYan: Gusto ko silang ipagluto ng kaldereta!

Dingdong Dantes, Bea Alonzo at Marian Rivera

TALAGANG looking forward na ang bagong Kapuso actress na si Bea Alonzo na makapunta sa bahay ng celebrity couple na sjna Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Inamin ng dalaga na nais niyang maging kaibigan ang mag-asawa at makatrabaho muli si Dingdong pati na si Marian at sana’y mabigyan din sila ng chance na maging close sa isa’t isa.

Kung matatandaan, personal na inimbita ng Kapuso Primetime Queen si Bea sa ginanap na virtual anniversary event ng Beautederm kamakailan na pareho nilang ineendorso.

“Doon lang talaga kami nagkaroon ng time magchikahan. Because before nakatrabaho ko rin si Dingdong sa isang pelikula (She’s the One) pero hindi ko talaga nakasama si Marian, during our premiere night lang,” pahayag ni Bea sa ginanap na GMA Pinoy TV FunCon.

Super touched naman ang aktres sa video greeting ng Kapuso Royale couple na ipinalabas sa nasabing event. Mainit siyang winelkam ng mag-asawa sa paglipat niya sa GMA.

“I’m happy kasi ganyan sila ka-warm mag-welcome and I’m so looking forward to working with them and having them as my friends,” mensahe naman ni Bea nang mapanood ang video.

“Nagpa-private message kami after our event last week and we follow each other on Instagram. Konting chikahan, kasi I think we have common friends,” pagbabahagi pa ng girlfriend ng hunk actor na si Dominic Roque. 

Masayang kuwento pa ng award-winning actress, talagang excited na siyang makabisita sa bahay nina Marian dahil gustung-gusto na niyang matikman ang specialty nitong menudo.

“Sure, pagkatapos ng pandemya at ipagluluto ko kayo ng menudo ng lola ko,” ang promise ni Marian kay Bea sa kanilang chikahan.

Pero hirit na request ng Kapuso actress, “Bea, kailangan magluto ka rin. Magdala ka rin ng niluto mo.” 

Sey ni Bea, sana raw ay matapos na ang pandemya at bumalik na sa normal ang lahat, “I’m looking forward na mapaglutuan at matikman ko ang menudo ng lola niya.”

Aniya pa, “Sana potluck kasi gusto ko rin siyempre magluto naman ng kaldereta o iba pang putahe para dalhin sa bahay niya. Feeling sobrang saya nu’n kapag nangyari na.”

* * *

Tutukan ang maaksyon at puno ng rebelasyon na pagtatapos ng “Daig Kayo Ng Lola Ko Presents Captain Barbie” ngayong Linggo, Sept. 5.

Hindi nagustuhan ni Goldino (Thou Reyes) ang pakikipagtulungan ni Captain Barbie (Barbie Forteza) sa mga pulis kung kaya dinakip nito sina Andrew (Anjo Damiles), Ysabel (Lianne Valentin), at Dave (Kimson Tan).

Habang nasa katauhan ni Captain Barbie, pinuntahan ni Bruce (Jeric Gonzales) ang hideout ng gold-loving villain na si Goldino upang iligtas ang kanyang mga kaibigang pulis.

Dito na nga ba matutuklasan ni Andrew na ang kanyang hinahangaang Captain Barbie ay ang kaibigan niyang si Bruce? Mailigtas pa kaya ni Bruce ang kanyang mahal na si Ysabel?

Tutukan ang exciting na pagtatapos ng “Captain Barbie” sa “Daig Kayo Ng Lola Ko” ngayong Linggo, 7 p.m., sa GMA.

Read more...