Lea pinagsabihan ang mga ‘bida-bida’ na nag-uunahan sa pagpo-post ng ‘patay’ sa socmed

Raymund Isaac at Lea Salonga

NA-BAD trip na si Lea Salonga sa mga netizens na nag-uunahan sa pagpo-post sa social media tungkol sa pagpanaw o pagkakasakit ng mga kilalang celebrities.

Pinagsabihan ng international star ang mga taong nauuna pang magbalita sa kanilang nga socmed accounts ng health condition o pagkasawi ng mga kilalang personalidad.

Tulad na lang ng nangyari nu’ng namatay ang komedyanang si Mahal at ang celebrity photographer na si Raymund Isaac. Ilan sa mga celebrity friends ni Mahal ang unang nag-post sa social media tungkol sa pagpanaw nito noong Aug. 31. 

Ganito rin ang nangyari nang mamatay si Raymund kahapon na ibinalita agad ng ilang kaibigan niya sa showbiz kahit wala pang official statement ang kanyang pamilya.

Parehong kumplikasyon sa COVID-19 ang naging sanhi ng pagpanaw nina Mahal at Raymund.

Sa kanyang Facebook page, ito ang matapang na paalala ni Lea, “This is my official stance when news on someone’s passing starts going around (it’s happened enough times even pre-COVID, so let this be a reminder for the future).

“Until we get actual confirmation, we say nothing. And until the family makes the announcement, we don’t preempt. And whoever does preempt is an assh*le. So don’t be an assh*le,” diin pa ng singer-actress.

Dahil dito, agad na binura ng isang grupo ng kanyang fans na may Twitter account na @AllAboutMsLea ang ipinost nila tungkol sa pagkamatay ni Raymund.

“Kindly delete tweets regarding Sir Raymund Isaac. Let’s wait until further notice and confirmation from the family.

“We are also very sorry, we weren’t aware but we immediately deleted the tweets related to Sir Raymund when we saw Ms. Lea’s FB post. Stay Safe Everyone.”

Isa sa mga nagkomento sa FB post ni Lea ay si Jed Madela. Aniya, “OMG! So true! I call them “bida-bida.” Na sinagot naman ng OPM  icon ng, “May papremyo ba kung ikaw yung unang makikiramay bago pa mag-anunsiyo yung mismong pamilya? Wala, di ba?”

Hirit uli ni Jed, “Ewan ko dun. May kakilala ako na laging ganun! Parang responsibilidad nya mag announce. Cringe.”

Ganito rin ang naging pahayag ng grief coach at anak ng veteran actress na si Caridad Sanchez na si Cathy Sanchez-Babao nang makita ang mga post ng ilang kaibigan sa showbiz ni Raymund Isaac.

“Death is not a scoop…Though we are deeply saddened when someone dies, we must wait for the family to announce it.

“There are many legal and financial implications after a death. We don’t help when we jump the gun on them. It’s also very disrespectful,” paliwanag niya na sinang-ayunan din ni Lea.

“I just posted the same. You’re just much more polite,” comment ni Lea sa post ni Cathy.

In fairness naman sa Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas, talagang hinintay muna niyang maglabas ng official statement ang pamilya ni Mahal bago siya nakiramay sa pamamagitan ng Instagram. 

Ganito rin ang ginawa niya nang mabalitaan ang nangyari kay Raymund, “May natanggap ako na balita, malungkot pero hihintayin ko ang pamilya ang magsabi o mag-anunsyo bilang respeto sa pamilya at asawa ng aking kaibigan.”

Hindi rin basta-basta naglalabas ng balita ang mga legitimate at major news organizations tungkol sa pagpanaw ng mga kilalang celebrities. 

Kailangan kasing hintayin muna ang official statement ng pamilya ng nasawi dahil may mga ilang legal na usapin din na kaakibat ito na kailangang isaalang-alang.

Read more...