Vin Abrenica, Sophie Albert at Baby Avianna
MATINDI rin pala ang pinagdaanan ng pamilya ni Sophie Albert nang tamaan sila ng COVID-19, kabilang na ang kanyang mga mga magulang.
Kinumpirma ng Kapuso actress na lahat sila sa pamilya ay nahawa ng nakamamatay na virus dalawang buwan pagkatapos niyang ipanganak ang baby nila ni Vin Abrenica na si Avianna.
Ibinahagi ni Sophie sa publiko sa pamamagitan ng isang YouTube video ang naging experience nila sa paglaban sa COVID-19.
“Our family driver got COVID from his son that he picked up from the airport. Even when we quarantined our driver when he picked up his son from the airport, we sent him to a quarantine facility for two weeks and he tested negative,” simulang kuwento ng aktres.
Nang bumalik na raw ang driver nila sa bahay ay nalaman nilang nawalan ito ng boses ngunit dahil nagnegatibo na ito sa COVID sa huli nitong swab, inisip nilang baka pagod lang ito at stressed.
Ngunit pagkalipas ng ilang araw, nagkalagnat na rin ang kanilang cook hanggang sa nag-positive na rin ito sa virus.
“They tested positive and then we had everybody in my mom’s household tested and everybody was positive except for one of our house help,” lahad ni Sophie.
Inamin niya na pati sila ni Vin ay nahawa na rin at ang paniwala ng kanilang doktor ay meron na rin ang baby nila dahil siya nga at si Vin ang personal na nag-aalaga rito.
Ngunit ang talagang ikinabahala niya ay nang magpositibo na rin sa killer virus ang ama niyang may sakit (comatose), lalo pa’t senior citizen na ito, pati na rin ang kanyang nanay.
“My dad was the only one who really had it seriously. He had long COVID which is COVID that lasts for months. He was hospitalized for I think almost two months and we really thought that he was going to go.
“It wasn’t looking good for him. He had to have hemoperfusion and after a few sessions, he got better. And now, he’s back home, which is a miracle and we’re so happy and so thankful,” pahayag pa ng Kapuso star.
Medyo nabawasan naman ang pag-aalala niya nang sabihin ng mga doktor na huwag siyang masyadong mag-worry kay Avianna dahil hindi maliit lamang ang tsansa na lumala ang kundisyon nito.
“True enough, I was asymptomatic kasi. Avianna naman, she only lost her voice, she got paos. She didn’t have fever. She didn’t have anything. So, I was really closely monitoring and watching her,” kuwento ng celebrity mom.
“The good thing was, we were able to not just be in our rooms because we all had it anyway. We were able to take care of Avianna pa rin. Do our same routines without seeing other people or anything like that,” dagdag pa niyang pahayag.
Sa huli, nagpaalala si Sophie sa lahat na triplehin ang pag-iingat dahil talagang COVID is real. Hinikayat din niya ang lahat na magpabakuna na para unti-unti nang bumalik sa normal ang lahat at para na rin sa kaligtasan ng mga bata.
“COVID is also a huge mental battle. It’s not just a physical battle but it really takes a toll on you mentally,” mensahe pa ni Sophie Albert.