NANGHIHINAYANG si Rhen Escano na hindi sila nag-abot ni Julia Montes sa “FPJ’s Ang Probinsyano” dahil gusto niyang maka-trabaho ang huli.
Matatandaang isa ang episode ni Rhen sa karakter na Clarisse Padua kung saan namatay siya ang isa sa most viewed sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment at iba pang online platforms ng Kapamilya network.
Nu’ng una ay bihag ng Task Force Aguila si Rhen na sa katagalan ay naging kaibigan na rin at nangakong hindi magsusuplong sa tatay nitong si Tirso Cruz lll bilang si Secretary Padua.
Sa ginanap na zoom mediacon ng “Paraluman” kasama sina Jao Mapa at Direk Yam Laranas produced ng Viva Films ay nakuwento ng aktres na noong nandoon pa siya ay naririnig na niya ang planong pagpasok ni Julia sa “FPJ’s ang Probinsyano”.
“Before, actually nadidinig-dinig ko na po talaga papasok po si Julia and na-excite po ako doon.
“Akala ko po maabutan ko siya kasi hindi ko pa siya nakaka-work. So, ni-look forward ko ’yon—na baka maubutan ko siya. And ngayon, natuloy siya parang sayang hindi ko po siya naka-work, hindi ko s’ya nakasabay doon sa Probinsyano.
“Of course nandoon naman po ’yong gusto ko po talaga s’yempre maka-work ’yong mga nilu-look up kong mga actor. Gustong-gustong-gusto ko po talaga siya. Nagagalingan po ako talaga sa kanya. Sobrang vocal din po ako doon. So, sana magkaroon ako ng chance na maka-work siya,” kuwento ni Rhen.
Tulad ng loyal fans nina Coco at Julia na sobrang saya ay ganito rin ang naramdaman ni Rhen.
“Nakaka-excite kasi for how many years hindi nila nakita si Coco and Julia together so parang na-hype up ’yong mga tao na parang finally makikita nila ’yong dalawa onscreen. And sure ako, .sure talaga ako na kaya siya nilagay sa show dahil may malaking mangyayari. Sure po ako doon,” may kilig na sabi ng dalaga.
Inamin din ni Rhen na nanghihinayang siya nang mawala siya sa serye pero kailangan dahil may mga prior commitment siya.
“Kung panghihinayang lang, hindi naman po mawawala ’yon kasi para sa akin hindi ko naman po dini-deny ’yon na sobrang thankful po ako na naging part po ako ng show.
“Pero, of course, merong kailangan i-prioritize and thankful and happy po ako naging part po ako noon at ngayon sure po ako and vocal naman din si Coco, happy siya kung ano ’yong mga ginagawa ko ngayon. And nakakatuwa kasi nandoon pa din ’yong friendship naming lahat. Wala pong nagbabago until now.
“Of course na-miss ko silang lahat, s’yempre nami-miss ko silang lahat—as in sobrang na mi-miss ko sila.
“And happy po ako na until now, hindi pa rin napuputol ’yong communication namin. Halos araw- araw nagkukulitan kami online. Nakaka-message ko sila. Meron kaming group chat, ganyan.
“So, nandoon pa din ’yong lagi kaming nag-uusap. Pag after nila sa lock-in, p’wede kaming magkita, mag-coffee, ganyan. And natutuwa ako na six years na po nila ngayon,” masayang sabi pa ng bida ng Paraluman.
Anyway, mapapanood ang “Paraluman” sa Vivamax sa September 24.