Madam Inutz, Wilbert kumasa sa life swap challenge

ALIW na aliw ang mga netizens sa latest vlog ni Momshie Wilbert kung saan pansamantala silang nagpalit ng mga ganap sa buhay.

Alam naman ng madlang pipol na sumikat si Madam Inutz sa kaniyang aliw na online selling samantalang kilala naman si Momshie Wilbert sa pagtulong nito sa mga nangangailangan.

Kaya marami ang natuwa sa ginawang challenge ng dalawa dahil kahit na nagpalit sila ng katauhan ay hindi pa rin nawawala ang natural nilang kulit lalo na si Madam Inutz.

Si Madam Inutz ang nauna kung saan nag-live ito at nagpamahagi ng cash prizes sa mga nagfollow ng kaniyang official Instagram account.

“Sinasabi ko sa inyo, kapag umabot pa tayo ng 100k followers sa IG, mamimigay tayo ng P10,000. Ang blessing ko, isheshare ko rin sa inyo, hindi ako makasarili,” saad ni Inutz.

Habang namimili nga ay nahirapan siya na banggitin ang mga pangalan ng mga napipili niya sapagkat ang iba ay pabaligtad ang pagkaka-spell.

“Baligtad naman kasi ang pangalan. May tinataguang utang yan para hindi ma-tag. Minsan ginagawa pang Thai. ‘Yung kapatid ko kasi hindi binaligtad, pinabayaran sa akin,” biro ng newest socmed star.

Habang tumatagal ang live ay pataas nang pataas ang premyong pinamimigay ni Inutz. Nang maabot ang 100k followers ay isang netizen ang masuwerteng nanalo ng P10,000 at isa pang netizen ang nanalo ng isang bale ng ukay-ukay.

Matapos mamigay ng pera ni Inutz ay siya namang simula ng online selling ni Momshie Wilbert.

“Hoy mga bakla! Kailangan bumili kayo kasi times ten ‘to. Para kay nanay ‘to. Umayos kayong lahat,” saad ni Momshie.

Ginaya nga niya ang mga paraan ni Madam Inutz sa pagtitinda na panay mura ag sabi ng “inutil”.

Pati nga ang pagpapa-screenshot ng mga nagma-mine ay kuhang kuna ni Momshie Wilbert.

“Pa-mine. Hindi naman ito pamburol,” sigaw nito habang binebenta ang isang jump suit na siyang ikinatawa ng mga kasama nila.

Bago mag-end ang vlog nila ay umabot ng 150k followers ang IG account ni Madam Inutz kaya namigay ito ng P20,000 sa isang netizen.

Kahit napagod ay masaya ang dalawa dahil marami silang natulungan at napasaya sa kanilang challenge.

Read more...