Arci proud ARMY; lumipad pa-Korea makanuod lang ng concert at pumila ng 5 oras para sa BTS merch

Arci Muñoz

Arci Muñoz

IBA talaga ang naging epekto ng South Korean boy band na BTS o “Bangtan Boys” sa Pilipinas at buong mundo. Pati nga mga artista ay nahuhumaling sa angking galing at charm ng boy group at isa na nga rito si Arci Muñoz.

Sa katunayan ay hindi rin inaasahan ng aktres na magiging ARMY siya dahil aksidente lamang nang matuklasan niya ang grupo. Para sa mga hindi aware, ARMY ang tawag sa mga supporters ng BTS.

“It started mga 2019 ng bandang August. I came across this video of Boy with Love ng BTS,” pagkukuwento ng aktres.

Agad raw itong nahumaling sa isa sa mga members na si Ji-min at agad na-in love ang dalaga dahil sa galing nitong sumayaw. Pagkatapos non ay sinimulan na niyang balikan at panoorin ang mga music video ng BTS.

“During that time, I was like, I don’t really know the reason bakit ako dinirect ni Lord sa kanila but ‘yun pala, magiging source of happiness ko sila kasi hinahanda niya ako sa break-up,” paglalahad nito.

Ang break-up na sinasabi ng aktres ay break-up nito sa non-showbiz dyowa na si Anthony Ng.

Kuwento pa ng aktres, ang mas nagpahanga sa kaniya ay bukod sa sobrang talented ng mga ito ay tulad lang rin sila ng ibang tao na simple lang at nais lang mag-enjoy in life.

Dagdag pa nito, hinangaan rin niya ang grupo sa pagsisikap nito na makarating sa kinalalagyan ng mga ito ngayon dahil noong na-launch daw ito ay naging underdogs muna ang mga ito.

Ikinuwento rin niya ang istorya ng kaniyang tattoo na ang ibig sabihin ay “Love yourself”.

“Ito ipina-tattoo ko sa Korea. So during that time that I was going through my heart break, ‘It’s time for me to love myself’.

“So talagang nagbigay ng ibang meaning talaga ‘yung bawat works and lyrics and their music in my life so talagang medyo tinamaan ako during that time,” kuwento pa ng aktres.

Amin nito, nakalimang bansa ito in 3 months para lang panoorin ang boy group.

Unang corcern nga dalaga mismong sa South Korea para sa last leg ng “Love Yourself” concert ng BTS para lang makanood. Sinamahan pa siya ng kaniyang friends bilang pagsuporta sa fangirling niya.

Kuwento pa niya, may isang pop-up store sa Gangnam kung makakabili ng merch ng BTS na nag-oopen ng 10am. Nagpunta raw siya kasama ang mga kaibigan ng 5am at natuwa dahil maikli lang ang pila ngunit laking gulat niya ng may isang babae ang tumapik sa kaniya para sabihing hindi iyon ang last line at paglingon niya ay buong parking lot ang nakapila.

“Nagka-camping ang mga fans. May dalang unan, maleta, mag tent. And I think, ang isang devoted, passionate ARMY will really do that. I will do that.

“Sabi ko, ‘Grabe, limang oras para lang makapasok ako rito’, kaya talaga nung nakapasok ako binili ko lahat,” masaya at kinikilig na saad ni Arci.

Hindi na rin nga alam ni Arci kung magkano na ang ginagastos niya sa fangirling niya.

“Hindi ko na alam, Ate Jolens basta masaya ako. Hindi ko na kinukwenta. Sabi ko nga, ‘Ma, sorry. Parang ‘yung kalahati ng sweldo ko, sa BTS napunta’,” natatawang amin nito.

At pati rin pala ang mommy ng aktres ay fan at mas updated pa sa lahat ng ganap ng boy band nang maging busy ang aktres.

Sa katunayan, bilang patunay ng kaniyang pagmamahal sa grupo ay ipinangalan nito ang kaniyang nabiling lupa sa isang member na ito na si Ji-min.

“They really make me so happy that I tend to forget all my problems. And for sure, a lot of ARMIES can relate that they really touched my life in so many levels,” sey ni Arci.

Read more...