Michael V at Xian Lim
“RITWAL” na para sa actor-director na si Xian Lim ang panonood tuwing Biyernes ng longest-running gag show sa bansa, ang “Bubble Gang” ng GMA 7.
Kaya naman isa sa mga wish niya ngayong isa na siyang Kapuso ay ang makapag-guest sana sa “Bubble Gang” na pinagbibidahan ni Michael V..
Kuwento ni Xian sa online interview with the press nitong nagdaang Martes, bata lang siya ay super fan na siya ng nasabing programa.
“Ako tsaka yung mga cousins ko, it’s our ritual na to watch ‘Bubble Gang. They shaped our childhood na tawa lang kami nang tawa. Sila yung mga nagpasaya sa amin nung times na ayaw namin gawin yung homework namin,” kuwento ng binata.
At kapag daw bigla siyang tinawagan at imbitahan para mag-guest sa “Bubble Gang”, baka raw hindi niya mapakalma ang kanyang sarili sa sobrang tuwa at excitement.
“Hindi ako makakatulog if nabigyan ako ng pagkakataon doon,” ani Xian sabay sabing isa rin siya sa mga super fans ni Michael V na itinuturing ngayong comedy genius ng Kapuso network.
“I’m a huge fan of Bitoy. Naalala ko in one event, nakita ko sila and wala akong nasabi. Na-fan mode ako. Everyone else na bumubuo ng ‘Bubble Gang,’ I’m a huge fan,” sey ng bagong Kapuso star.
Naghahanda na ngayon si Xian para sa unang lock-in taping ng first project niya sa GMA, ang “Love, Die, Repeat” kung saan makakatambal niya si Jennylyn Mercado.
Bukod sa pag-arte, sana raw ay mabigyan siya ng pagkakataon sa GMA na makapagdirek at makagawa ng ilang proyektong maipagmamalaki niya sa buong mundo.