Marian, Glaiza tunay na mag-sister na ang relasyon; Alice natuwa sa pinaagang timeslot ng ‘Legal Wives’

Alice Dixson, Marian Rivera at Glaiza de Castro

HINDI napigilan ni Glaiza de Castro ang magkuwento ng malalim na pinagsamahan nila ni Marian Rivera noong batiin niya ito sa “DongYan Funcon” event ng GMA Pinoy TV.

Aniya, mula pa noon ay magkapatid na ang turing nila sa isa’t isa matapos nilang magkasama sa seryeng “Amaya,” “Tweets for my Sweet,” at “Temptation of Wife.”

“Nagsimula ‘yung tawagan namin ng ‘Bai’ noong ginawa namin ‘yung Amaya so ‘Bai’ means sister at eversince ginawa namin ‘yun, ‘Bai’ na ‘yung naging tawagan namin kasi I consider her as my sister,” chika ni Glaiza.

Hindi naman nag-deny ang Kapuso Primetime Queen sa sinabi ni Glaiza at malaki raw ang pasasalamat niya na naging magkaibigan sila.

“Siguro isa sa mga naging thankful ako is naging kaibigan ko talaga si Glaiza kasi isa ‘yan sa kahit hindi kami magkita o mag-text nang mahabang panahon pero kapag nagkita kami niyan, parang walang nagbago, ganu’n pa rin kami,” ani Marian.

At ang wish nilang pareho ay sana magkatrabaho sila ulit sa isang proyekto.

Marami pang ihinandang surprise ang GMA Pinoy TV para sa Kapuso abroad. At nitong Sept. 1 nga lang ay si Bea Alonzo naman ang nakasama nila sa isang masayang FunCon online.

* * *

Masaya ang Kapuso actress na si Alice Dixson sa mas pinaagang timeslot ng hit family drama series na “Legal Wives.”

Marami ang natuwa na napapanood na ang “Legal Wives” pagkatapos ng “24 Oras” na nagsimula nga nitong Lunes, Aug. 30.

Ani Alice, “Natutuwa kaming lahat because an earlier timeslot also means more viewership. Nagpapasalamat kami sa mga nanonood ngayon at sa mga sumusubaybay. Napakaganda ng reactions and comments.”

Pahayag pa ng aktres, mas kapana-panabik ang mga eksenang dapat abangan sa serye kung kaya’t dapat na tumutok ang mga manonood.

“Ismael (Dennis Trillo) is now trying to balance. Nagbabalanse siya kung paano makisama sa dalawang asawa, paano mamuhay nang tahimik or at this point, hindi matahimik with two wives,” paliwanag ni Alice.

Tuluyan na nga bang mahuhulog ang loob ni Amirah (Alice) kay Ismael (Dennis)? Patuloy na subaybayan ang “Legal Wives” pagkatapos ng “24 Oras,” sa GMA Telebabad.

Read more...