Kris Bernal at Perry Choi
HINDI na naman matutuloy sa darating na Sept. 25 ang kasal ng actress-entrepreneur na si Kris Bernal sa negosyante ring si Perry Choi.
Ito na ang ikalimang beses na na-postpone ang pinakaaabangang wedding ni Kris dahil pa rin sa patuloy na banta ng COVID-19 pandemic.
Ayon sa aktres, talagang inatake na naman siya ng depresyon nang magdesisyon sila ng kanyang fiance na ire-schedule uli ang kasal dahil sa dumadami na namang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19.
“Siguro mga four times na siyang nausog. Actually parang panglima na naman.
“Actually, kaka-announce ko lang parang a week before sa vlog ko na it’s going to happen on September 25. So, one month to go na lang, di ba?
“But then, since just yesterday, parang we decided na (huwag na munang ituloy)…sobrang na-depress talaga ako.
“As in hindi ako makausap kahapon kasi finally nag-decide na kami na kailangan talaga namin siya i-move because of the COVID surge nga. Ang taas-taas ngayon, di ba?” paliwanag ni Kris sa panayam ng “Unang Hirit.”
Samantala, naikuwento rin ni Kris kung bakit ang Magallanes Church ang napili nila ni Perry na maging venue ng kanilang kasal. Aniya, lumaki raw kasi siya sa area na iyon sa Makati City.
“Doon din ako nag-church kaya napili ko ‘yon and at the same time, kasi gusto ko nga grand lahat. Talagang yun ang dream wedding ko.
“Alam mo, sabi nga nila, ‘Kris, ang arte-arte mo. Bakit hindi ka na lang mag-civil, mag-simple wedding?’ Pero ako kasi ‘yung tao na gusto ko grand lahat.
“So gusto ko yung may grand entrance, may malaking door tapos gusto ko ‘yung dahan-dahan ako (maglalakad),” aniya pa.
Nabanggit din ni Kris na “sunflower” ang motif ng kanilang wedding.
Nauna rito, ibinahagi rin ng aktres sa publiko ang mga litrato niya na kuha sa kanyang sexy bridal photoshoot. Dito, ibinandera niya ang kanyang message para sa mga body shamer.
“I hope more will normalize our bodies for keeping us alive, no matter what shape it’s in. Normalize shunning ‘beauty standards’ because there’s none. We are all strong and beautiful just as we are.
“I work hard. I’m responsible. I dress well to feel better. I put myself together every morning. I manage my money. I pay my bills.
“I run my businesses finding out my greater purpose of providing jobs. I am educated and respectful. I have visions and plans for the future. Who doesn’t value those, doesn’t deserve me. Love and light! Find your inner peace!” sabi pa ni Kris sa isa pa niyang post.