Ion Perez sinorpresa si Vice sa Channing Tatum look: ‘O, na-in love ka na naman?’

Vice Ganda at ion Perez

GWAPUNG-GWAPO si Vice Ganda  sa boyfriend niyang si Ion Perez nang makita ang bagong hairstyle nito na kinopya sa isang sikat na Hollywood star.

Sinorpresa kasi siya ng hunk model-actor sa bago nitong gupit ala-Channing Tatum na bumida at napanood sa blockbuster movie na “Magic Mike.”

“Ang gwapo mo!” ang unang nasambit ng TV host-comedian nang ipakita na ni Ion ang bago niyang gupit na skin head at may kulay pang golden brown.

Sa latest vlog ng “It’s Showtime” host, makikitang super excited itong makauwi ng bahay matapos ngang ibalita ng kanyang dyowa na nagpagupit uli ito. 

“Excited na akong makita ang mukha ng dyowa ko,” ang chika ni Vice.

Nadatnan niyang nanonood ng TV si Ion at nakasuot ng hoodie jacket kaya hindi niya agad nakita ang itsura nito.

Ini-imagine pa niya kung sino sa mga Hollywood stars ang kamukha ng kanyang boyfriend — si Brad Pitt ba? O, si Tom Cruise? O, baka raw si Justin Bieber?

Pero nang ipakita na ni Ion ang kanyang bagong hairstyle, sinabi nitong ang “Magic Mike” star ngang si Channing Tatum ang ginaya ng hunk actor sa kanyang new look. 

Biro pa ni Ion sa kanyang life partner, “O, na-inlove ka na naman?” Na sinuklian lang ng pagkatamis-tamis na ngiti ni Vice.

Mas kinilig pa ang fans ng celebrity couple nang mag-request si Ion ng kiss kay Vice na nag-dialogue pa ng, “Gwapo ng asawa ko, no?”

Kung matatandaan, kinumpirma ng magdyowa ang kanilang relasyon noong 2019 sa isang anniversary episode ng “It’s Showtime.” Magtatatlong taon na ang kanilang pagsasama kaya naman marami ang nagsasabi na pwede na silang magpakasal.

Kamakailan, kumalat ang chika na nagpakasal na raw ang dalawa dahil sa isang vlog ni Vice ay “asawa” at “husband” na ang tawag niya kay Ion.

Read more...