Julie Anne San Jose
MARAMI nang atat na atat na mapanood ang “Limitless, A Musical Trilogy” ng Kapuso actress-singer-TV host na si Julie Anne San Jose.
E, kasi nga, sa trailer pa lang ay talagang feel na feel mo na ang bawat hugot ni Julie Anne pati na ang mga lugar na kanyang pinuntahan sa Mindanao na magiging espesyal na bahagi nga ng “Limitless.”
Sa mga patikim na teaser ng nasabing digital event, naintriga ang lahat sa mga emosyonal na hugot lines ng dalaga, lalo na ang tungkol sa personal niyang buhay.
“There was a phase in my life na parang ayoko na. Na-realize ko na kailangan ko ‘to. Ako naman. Ako naman,” ani Julie Anne. At sa ending nga ng trailer ay maririnig ang pahayag niyang, “Ang tagal ko ‘tong kinimkim.”
Kaya naman ang nagkakaisang tanong ng fans, ano kaya ang pasabog na ito ng singer-actress? May kinalaman kaya ito sa kanyang lovelife? O, baka naman tungkol sa mga challenges na hinarap niya ngayong panahon ng pandemya?
Sa isang panayam sa dalaga sa ginanap na virtual mediacon ng “Limitless” nasabi niyang, “There was a point in my life na parang I felt demotivated, na parang hindi ko alam kung anong gagawin ko, I didn’t know kung saan ako pupunta.
“Maraming mga changes, maraming mga nawala, maraming nawalan. ‘Yung pandemic hindi lang sa physical aspect ka maaapektuhan kundi pati ‘yung mental, emotional health,” aniya pa.
Ngunit sa kabila ng kanegahang dulot ng pandemic, nagpasasalamat pa rin si Julie Anne dahil nakasama niya ang pamilya sa loob ng mahabang panahon.
“Kasi before, lalabas ako, gigising ako nang maaga, tapos pag-uwi ko, sa bahay tulog na sila. So ngayon, mas nagkaroon ako ng time with them,” sabi ng aktres at singer.
Napakarami rin daw niyang nais ipagpasalamat sa “Limitless” dahil bukod sa na-motivate siya nang bonggang-bongga nakatulong din ito sa kanyang mental health lalo na ang pagta-travel niya sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas tulad ng Mindanao.
“Feeling ko kailangan ko talaga ‘to. Kasi before, sobrang preoccupied ako with a lot of things.
“Parang nakaka-travel ako for work pero hindi talaga ako nakakalibot or whenever I go to places palaging may commitment, palaging my agenda.
“Like, kailangan gawin ko ‘to, ganito, ganyan. Then, kinabukasan, babalik na ko ng Manila,” ani Julie Anne.
“So, marami akong things na inaasikaso before and naisip ko na wala pala talaga kong time for myself. That’s why I said yes to this project kasi I feel like I need to cope up, to breathe. Makahinga man lang.”
“First time ko rin, actually, na makita ‘yung sarili ko na ganito, ‘yong walang iniitindi tapos ini-enjoy mo lang ‘yong mga napupuntahan mo, ini-enjoy mo ‘yong mga taong nakakasama mo.”
“I felt that we needed that and everyone needed that. ‘Yong buong team namin sobrang happy.
“Oo, nakakita rin kami ng trees, nakakita rin kami ng bundok, finally. It was a wonderful trip. It’s also my first time to visit these places and I can say na worth it ‘tong journey na ‘to,” pagbabahagi pa ng dalaga.
Ang part one ng “Limitless, A Musical Trilogy” na pinamagatang “Breathe” ay mapapanood na online simula sa Sept. 17. Bisitahin lamang ang www.gmanetwork.com/synergy para makabili ng tickets.