French-Taiwanese TikTokerist kamukhang-kamukha ni Marian: Maybe I’m secretly her daughter

Marian Rivera at Lea Dumortier

SI MARIAN Rivera may twin sister?! Yan ang nakakalokang tanong ng ilang netizens nang makita ang litrato ng isang French-Taiwanese na kamukhang-kamukha ng misis ni Dingdong Dantes.

Isa rin kami sa na-shookt sa ipinadala sa aming mga photos ng babaeng nagngangalang Lea Dumortier na isang estudyante sa UC Berkeley.

In fairness, papasa talagang kakambal ni Marian si Lea dahil kamukhang-kamukha siya ng Kapuso Primetime Queen — mula sa kanyang buhok, labi, mga mata hanggang sa facial expressions.

Kaya naman mabilis na nag-viral ang mga litrato ni Lea at halos lahat ng nakakita sa kanya ay talagang nagsabing inakala nilang si Marian ito. Kahit nga may suot itong face mask ay aakalain mong siya si Marian.

Ang artistahing French-Taiwanese girl ay may mahigit na 10,000 followers sa Instagram at more than 157,000 followers sa TikTok.

Nakarating na sa dalaga ang mga comments ng netizens at sinabing ikinagulat din niya nang malamang kilala na raw siya sa Pilipinas nang dahil nga sa asawa ni Dingdong.

Sa isa niyang TikTok video, nag-react na si Lea sa pagkukumpara sa kanila ni Marian. Ni-repost niya ang isang video kung saan makikita ang magkatabing litrato nila ng celebrity mom.

At sa huling bahagi ng TikTok video, isinulat niya ang mga katagang, “Maybe I’m secretly her daughter.” Habang sinusulat namin ito, may 2.9 million views na ang nasabing video.

Komento nga ng isang friend namin, “Dapat hanapin na ng GMA si Lea para dalhin dito sa Philippines. Sure kami na interesado ang mga Pinoy na makita siya. Tapos pagsamahin sila ni Marian sa isang project. Siguradong papatok yan!”

Sinegundahan naman ito ng isang fan ng aktres, “Yeah right! Habang hindi pa bumabalik sa acting si Marian si Lea muna ang gamitin ng GMA. Kahit temporary lang ang mga ganap but I’m pretty sure magiging mainit ang pagtanggap sa kanya ng Pinoy viewers.”

What do you think dear BANDERA readers, sa tingin n’yo papasang twin sister ni Marian? Feeling n’yo ba sisikat din siya kapag nag-artista siya rito sa Pilipinas?

Read more...