Janno Gibbs, Maui Taylor at Rose Van Ginkel
AMINADO ang veteran comedian at TV host na si Janno Gibbs na inatake rin siya ng matinding nerbiyos nang ialok sa kanya ang sex-comedy film na “69+1” ng Viva Films.
Ayon kay Janno, ito ang unang pagkakataon na bibida siya sa isang protekto na matindi ang mga sex scenes kung saan dalawa pa ang magiging leading lady niya — ang mga palaban din sa hubaran na sina Maui Taylor at Rose Van Ginkel.
Gaganap si Janno sa bagong obra ni Darryl Yap na “69+1” bilang si Apol, ang lalaking makakasama ng lesbian couple (Maui at Rose) sa isang polyamorous setup sa loob ng isang taon.
“Kinabahan ako kasi aside from the entire theme, yung mga scenes marami rito hindi ko pa nagagawa sa iba kong movies,” pahayag ni Janno sa nakaraang virtual presscon ng “69+1”.
Kasunod nito, nabanggit nga ng komedyante na may karanasan na rin siya sa tomboy, “Yes, binata pa ako nito. Iba kasi ako yung first niya eh, so before me, lesbian talaga siya. So ako yung first experience niya and then ngayon nababalitaan ko lesbian ulit siya.
“Kasi naging kami hindi ko alam na lesbian siya eh. Saka ko na lang nalaman later on,” aniya pa.
Diretsahan ding inamin ni Janno na may nagyaya na sa kanya noon na subukan ang threesome tulad ng ginawa nila sa “69+1”.
“Nu’ng bata ako merong nagyaya. Hindi natuloy. Pero kung dapat ba gawin that’s the choice of the couple na. Nasa sa inyo na yun kung talagang gusto niyo to spice things up,” aniya.
Sa tanong kung anu-ano ang mga challenges na hinarap niya habang ginagawa nila ang pelikula, “One was yung sensual scenes namin tatlo together and yung shower scene.
“Aside from that, challenge was to show a different Janno Gibbs. Medyo toned down ng konti from Pakboys. I had to balance comedy with a serious note,” kuwento pa ni Janno.
Ang “69+1” ay tungkol nga sa magdyowang lesbian na sina Ivy (Maui) at Patricia (Rose) na malapit nang mag-celebrate ng kanilang 7th anniversary.
Para malagpasan ang tinatawag na 7-year-itch, nagdesisyon sila na magpapasok ng lalaki sa kanilang relasyon, o ang tinatawag na throuple—tatlong tao sa isang relasyon sa loob ng isang taon.
Makikilala nila si Apol (Janno), isang photographer na pasado sa lahat ng qualifications nila para sa isang lalake, at sa tingin nila ay hindi sila mai-inlove o magiging attached dito.
Magkakasama nilang aalamin kung ang isang polyamorous relationship ay para sa kanila o hindi.
Mapapanood na ang “69+1” simula sa Sept. 3 sa Vivamax. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.