Hugot ni Jinkee: Bitterness is a poison to your soul, jealousy kills your happiness

Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao

IDINAAN na lamang sa “joke, joke, joke” ng misis ni Sen. Manny Pacquiao na si Jinkee ang kontrobersiyang kinasasangkutan niya ngayon.

Marami ang nangnega at nang-okray kay Jinkee dahil sa kanyang all-pink OOTD o outfit-of-the-day sa pinakahuling laban ni Pacman sa Las Vegas, Nevada kung saan natalo siya ng champion boxer na si Yordenis Ugas.

Base sa pagtataya sa kabuuang halaga ng OOTD (mula sa damit, sapatos at bag hanggang sa mga accessories) ni Jinkee ay aabot daw ito sa mahigit P2 million.

At dahil nga rito, marami ang bumatikos sa asawa ni Sen. Pacquiao at sinabihang napaka-insensitive dahil nga sa gitna ng paghihirap ng mga Filipino sa panahon ng pandemya ay nagawa pa nitong ibalandra at ibandera ang mga mamahaling gamit.

Nauna nang niresbakan ni Jinkee ang mga kumastigo sa kanya sa pamamagitan ng isang cryptic post sa social media na may kaugnayan sa inggit.  

At sa bago nga niyang post ay mukhang ayaw nang magpaapekto ni Jinkee sa mga bashers. Isang litrato ng mamahaling carpet ang ibinahagi niya sa Instagram na kuha sa mansiyon nila sa Los Angeles, California.

Hirit niya sa caption, baka raw pati yung Fendi Casa carpet ay isama sa computation ng kanyang all-pink OOTD. Ayon sa isang report, ang nasabing carpet ay nagkakahalaga mula P50,000 hanggang P500,000.

Ani Jinkee, “Basi apilon napud ug compute ang carpet. Joke lang po! Sa silingan lang ra ba ni! (Baka isama sa pag-compute ang carpet. Sa kapitabahay namin ito).”

Pinusuan at ni-like naman ito ng kanyang mga followers na nagsabing huwag na siyang magpaapekto sa mga haters sa socmed at ipagpatuloy na lamang ang pagiging positibo sa buhay.

Kasunod nito, nagbahagi rin si Jinkee sa Instagram ng mensahe para mga “bitter”. Feeling ng kanyang mga followers patungkol pa rin ito sa mga taong patuloy na pangnenega sa kanya.

“Thought of the day…

“Bitterness is a poison to your soul. Jealousy kills your happiness. Insecurity destroys your goodness.

“No matter how good you are to the people, there is always a person who hates you for no reasons.

“But still continue to do good to them with the love of the Lord

“Love more! Be happy! Life is short!” ani Jinkee.

Nauna rito, nagbahagi nga ang asawa ni Pacquiao ng isang kasabihan mula sa Proverbs 14:30, “Some people have so little going on in their lives, they would rather discuss yours (smiling face with open mouth and cold sweat).

“Remember, people only rain on your parade because they’re jealous of your sun and tired of their shade.(smiling face with heart-shaped eyes emoji).

“Spread Love! We should love one another, for GOD is love! (praying hands, heart emojis). God is good all the time! 

“Proverbs 14:30, A peaceful heart leads to a healthy body; jealousy is like cancer in the bones.”

Read more...