Sofia maraming realizations magmula nang isilang si Baby Zoe: I can give so much love pa pala

SOFIA ANDRES

IKINUWENTO ni Sofia Andres sa “Magandang Buhay” ang mga naging ganap niya buhat nang ipanganak niya ang cute na cute niyang baby na si Zoe.

Marami ang naging adjustments at discovery ni Sofia sa kaniyang sarili matapos ang panganganak.

“Hindi ko inakalang I’m capable of giving that unconditional love. ‘Yung connection namin ng anak ko parang… I can give so much love pa pala,” umiiyak na lahad ni Sofia.

Kuwento rin niya, mas naging clingy siya sa kaniyang ina simula nang maging mommy na siya.

“I’m not showy. I’m not clingy with my mom. Ngayon ko lang nasasabi sa kanya na ‘I love you’ before ako matulog,” kuwento ni Sofia.

Aminado rin ang aktres na hindi siya showy sa ina kaya ngayon ay mas ipinaparamdam niya kung gaano niya kamahal ang ina. Simula kasi nang naging mommy na siya, nararamdaman niya na ‘yung sarap sa pakiramdam kapag sinasabihan siya ng “wav yu” ng anak kaya ganoon rin ang ginagawa niya pambawi sa ina.

Ikinuwento rin nito ang naging reaksyon ng kaniyang kapatid na may special needs na si Bryan.

“Ha? Ate, wooow. Angel ‘yan,” ito raw ang naging sagot ni Bryan nang aminin niya na sa kapatid na ipinagbubuntis niya si Zoe.

Si Bryan ang pinakaclose at pinakababy ni Sofia sa kanyang mga kapatid.

Dagdag pa niya, wala raw selos na nararamdaman ang kapatid sa kaniyang anak at mas nagseselos pa ito kay Daniel, ang partner ni Sofia.

Para kay Sofia, forever baby niya ang kapatid kahit na anong mangyari.

“We don’t have a perfect family so parang siya ‘yung nagbibigay lakas, ‘yung pundasyon ba, para maging complete siya. Siya talaga ‘yung angel namin, literally,” naiiyak na saad ni Sofia.

Pangako ni Sofia sa kapatid na mananatili siya sa tabi nito forever.

“Kasi ‘di ba mayroon silang insecurities. Kapag minsan hindi mo sila naiintindihang magsalita, nafifeel nila eh. Parang frustrated sila so parang iba pag sinabi na ‘Bryan, mahal ka namin’. Di lang siya nag-iisa

“Kasi may mga tao na, like when we are out, titignan sila ng different. So family palagi, that’s the most important thing in life,” pagbabahagi niya

Read more...