Jinkee may bwelta sa patutsada ni Cristy Fermin

USAP-USAPAN ngayon sa social media si Jinkee Pacquiao matapos mapag-alaman ng netizens kung gaano kamahal ang suot nito sa naging laban ni Pacquiao kay Ugas noong Agosto 22.

Umabot kasi sa mahigit dalawang milyon ang OOTD ni Jinkee kaya marami ang mga napa-wow at napataas ng kilay sa outfit at bag ng asawa ng Pambansang Kamao at isa na nga rito si Cristy Fermin.

Sa kaniyang online show, walang kaabog-abog itong nag-react ukol sa naging OOTD ni Jinkee.

“Wala lang sa timing si Jinkee Pacquiao. Wala po siyang pakialam sa pandemya at sa nagaganap sa buong mundo dahil kumg mayroon siyang pakialam ay dapat hindi niya inilalantad ang kaniyang kayamanan sa kaniyang kagamitan.

“Walang kahihiyan si Jinkee Pacquiao. Ang dami daming nagugutom na pamilya, ang dami daming walang pambara sa lalamunan patungo sa bituka, ipagpaparadahan mo ‘yung lahat lahat ng mga pinagbibili mo, may presyo pa at nasa bahay ka lang. Hindi ka naman lumabas kaya wala kang kahihiyan,” saad ni Cristy.

Sa kaniyang recent Facebook post, nag-upload ito ng kaniyang litrato na may caption na tila buwelta sa mga negatibong komento na natatanggap niya matapos mag-viral ang presyo ng kaniyang kasuotan.

“Some people have so little going on in their lives, they would rather discuss yours.

“Remember, people only rain on your parade because they’re jealous of your sun and tired of their shade.

“God is good all the time!”

Marami sa mga netizens ang naniniwalang para kay Cristy Fermin ang maanghang nitong post.

Bukas naman ang BANDERA kung sakaling naisin ni Jinkee na magbigay paliwanag o linawin ang kanyang pangalan sa patuloy na lumalaking isyu.

Read more...