IBINAHAGI ng Kapamilya actor ang naging karanasan nito noong mga panahong nalulong ito sa masamang bisyo.
Sa Instagram post niya ikinuwento ang karanasan na ayaw na niyang muling balikan.
“I remember 6 years ago, was sleeping in a hotel room . 5 or 6 huge guys woke me up. They had access in my room. pinned my head , elbows , knees and chest while i watch the other guy inject something on my right shoulder.
“I felt weak in an instant. They carried me took me out of the hotel in a stretcher. outside the hotel since my head is tied , i see in my peripheral my aunt mom crying like someone died. I cried too and shouted dont let them take me,” pagbabahagi ng aktor.
Kuwento pa niya, tatlong araw itong natulog sa loob ng isang aero med van at nagisng na lamang na mag-isa sa isang maliit na kwarto na may mga rehas.
Ayon rin sa kanya, nanatili siya roon ng isamg buwan at pagkatapos ay inilipat sa rehabilitation center kung saan nag-stay siya ng dalawang taon.
“This is because I relapsed after a 1 month basement and 1 year stretch in my first rehab,” saad ng aktor.
Giit pa niya, hanggang ngayon raw ay tila hinahabol pa rin siya ng alaalang ‘yon sa pagtulog maski kahit gising ay binabagabag pa rin siya ng mga alaalang ito.
“For years i suffered. I was imprisoned by pain and hate. patched it up with a drug that made me lose everything i love,” dagdag niya.
Nagpapasalamat ang aktor sa Diyos sa lahat ng ipinagkaloob nito sa kanya at ngayon ay hindi na nito nararamdam na mag-isa siya hindi katulad noon.
Mas masaya na rin ang aktor ngayon at ipinapanalangin na sana ay maging mapayapa na ang darating na araw.
“Maybe I’m sharing this to remind other people to stop f**** with my peace or anyones peace..I dont want to be that person anymore,” hirit pa ng aktor.
Hiling rin nito na nawa’y mangibabaw ang kabaitan sa mga tao dahil hindi naman sa lahat ng oras ay masaya at walang pinagdaraanan ang mga taong maaaring makasalamuha sa araw-araw.