Kylie naka-move on na sa hiwalayan nila ni Aljur: I’m really, really happy now!


NAKANGITI at blooming na Kylie Padilla ang bumungad sa interview kasama si Lhar Santiago sa 24 Oras.

Mukhang at peace na ang aktres at masaya sa bagong yugto ng kanyang buhay. Dagdag pa niya, nakapag-adjust na rin siya pati ang mga anak buhat nang sila’y lumipat ng tirahan.

“I mean, puwede naman sabihin na ‘I’m happy’ just for the sake of it. Pero I’m really, really happy now, masaya talaga ako,” saad ng aktres.

“Especially after this project na sinasabi ko nga, naging therapy siya in a way to get through I was going through. But now I feel happier talaga. I’m at peace now than I was,” dagdag pa ng aktres.

Halos matagal na ring hindi nakakagawa ng acting project ang aktres kaya excited ito sa pelikulang “BetCin” na pagbibidahan nila ng isa pang Kapuso actress na si Andrea Torres.

Dagdag pa niya, gustong-gusto ni Kylie ang karakter niyang si Beth dahil somehow ay naiintindihan niya ang karakter:

“There were certain things na mga binasa ko. Sabi ko, ‘Naiintindihan ko siya kung bakit niya nagawa ‘yung mga nagawa niya.’ She’s an imperfect person, but she loves for real,” lahad niya.

Natanong rin si Kylie kung kailan naman ito bibidang muli sa mga teleserye.

“Ready naman ako anytime, ‘yung lock-in taping lang talaga, nakakatakot kasi magko-commit ka. Siyempre ‘yung ibang lock-in ang tatagal eh, so panibagong isa-psych ko ‘yung sarili ko para malayo sa mga anak ko. Ang hirap talaga, may anxiety akong malayo sa kanila,” paliwanag ni Kylie.

For sure ay maraming fans ang matutuwa kung sakaling magbabalik teleserye na ang aktres dahil marami na rin ang nakakamiss kay Kylie buhat ng magpahinga ito sa pag-arte.

Read more...