Nadine feeling blessed sa pagdating ng baby no. 3; boy kaya o girl? | Bandera

Nadine feeling blessed sa pagdating ng baby no. 3; boy kaya o girl?

Therese Arceo |August 25,2021
facebook
share this

Nadine feeling blessed sa pagdating ng baby no. 3; boy kaya o girl?

Therese Arceo - August 25, 2021 - 07:22 PM


IBINAHAGI ng dating StarStruck season 1 finalist na si Nadine Samonte ang naging ganap sa kanilang gender reveal para sa kanilang baby number 3!

“So weird kasi kay Heather, gusto ko ng sweets. Kay Titus naman, gusto ko ng maasim, maanghang. Tapos dito sa third [baby] lahat gusto ko,” pagbabahagi ni Nadine.

Dagdag pa niya, thankful sila na magkaroon ng third baby sa kabila ng mga pinagdaanan ni Nadine habang ipinagbubuntis ang anak.

Matatandaan na kamuntikan nang mawala ang kanilang third baby dahil sa pregnancy complication ng dating aktres.

Ang sakit ni Nadine na Polycystic Ovary Syndrome (PCOS) at antiphospholipid antibody syndrome (APAS) ay lubbang nakaapekto sa kaniyang pagbubuntis.

Gayumpaman, naniniwala silang suwerte pa rin sila sa kabila ng mga pinagdaanan dahil hindi sila pinabayaan ng Diyos.

Nagkaroon rin ng botohan kung saan marami sa pamilya nina Nadine at Richard ang bumoto na girl ang next baby nila. 18 ang bumoto ng girl samantalang 10 naman sa boy.

Kaya marami ang nagulat lalo na ang ina ni Richard na si Isabel Rivas dahil puro blue balloons ang lumabas at ibig sabihin ay lalaki ang anak nila.

Ngunit hindi pa pala tapos ang sorpresa dahil hindi pa lumalabas ang malaking lobo na siyang magsasabi ng tunay na gender ng baby.

Ang kaninang hindi makapaniwalang lola ay biglang napatayo at nagsasasayaw nang finally ay lumabas ang malaking pink balloon na hinatak ni Nadine.

“It’s a girl!!!!” masayang balita ni Nadine nang hiwain ang cake na kulay pink ang loob.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Masayang masaya ang pamilya sa bagong blessing at hindi na makapaghintay na makita ang newest member ng pamilya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending