Lovi Poe babandera sa Hollywood movie na ‘The Chelsea Cowboy’


EXCITED na ang Kapuso actress na si Lovi Poe sa next project kung saan napili siya bilang isa sa cast ng Hollywood movie na “The Chelsea Cowboy” na pagbibidahan nina Alex Pettyfer at Poppy Delevingne.

Ibinahagi ng aktres ang masayang balita sa kanyang Instagram account.

“Can’t wait to start filming ‘The Chelsea Cowboy’ in October,” saad ng dalaga.

“I’ll be playing blues British singer Dana Gillespie.

“Excited to be working with this amazing team of creatives @alexpettyfer @poppydelevingne @idriselba,” dagdag pa niya.

Ayon naman sa Deadline, isang entertainment media outlet, ang pelikula ay base sa tunay na buhay ng isang aktor, gangster at lothario na si John Bindon.

“The team and I are delighted to have Lovi onboard and can’t wait to see her portrayal of Dana Gillespie – a ’60s icon and charismatic singer and actor, whose own life would indeed make an amazing biopic,” saad ni Ben Cookson sa Deadline.

Si Ben Cookson ang magiging direktor ng pelikula.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na target date kung kailan ang release ng pelikula.

Read more...