Regine biktima rin ng pambu-bully; chaka raw at hindi sisikat


IBINAHAGI ni Asia’s Songbird Regine Velasquez na hindi naging madali ang daang tinahak nito noong nagsisimula pa lang sa showbiz.

Sa kanyang interview kay Bianca Gonzales, inamin nito na may mga ilang tao ang hindi naniwala na sisikat siya at magtatagumpay ang kanyang karera.

“Noong 80s, I was starting and people know that I can sing but they didn’t really think na I’d make it kasi hindi ako masyadong maganda. ‘Yung parang ganun. Hindi ako kagandahan.

“Iyan ang laging feedback sa akin. Parang ‘Yeah, magaling siyang kumanta pero first of all, parang hindi uso ‘yung sound ko. Ako lang ‘yung ganon, may mga belter na noon pero they’re in a totally different league and I was trying to target a different kind of audience and apparently I am the only one who sounded like that,” paglalahad ng beteranang singer at aktres.

Kuwento pa niya, direktang sinasabi sa kanya na, “Baka hindi ka masyadong [sumikat] kasi hindi ka masyadong maganda. Siguro dapat mag-ayos ka pa.”

Pag-amin ng beteranang singer, simula bata pa lang siya ay naririnig niya na ang mga ito.

“I’ve always thought that I was not pretty because I was told I was ugly but that didn’t make me insecure. For some reason, I’ve accepted that that’s a fact kasi sila ‘yung tumitingin so I thought it was a fact,” saad ng Kapamilya star.

Ngunit para sa kanya, iba ang sinasabi ng isip niya dahil confident siya sa kanyang boses.

“Okay lang if you think that I’m ugly. You don’t have to look at me but wait ’til you hear me sing,” dagdag pa niya.

Isa rin sa naging dahilan kung bakit never nainsecure si Regine ay dahil may paraan ang kanyang ama para iparamdam sa kanya na maging confident sa sarili.

Kapag naririnig raw nito sa ibang tao na sinasabihan siyang “pangit”, sasabihin daw ng kanyang ama sa tao na “kung pangit ‘yung anak ko, ano ka pa?” kaya hindi kailanman ito naging insecure sa kanyang physical appearance.

Sa halip, naging challenge raw para sa kanya noong sinabing hindi siya sisikat dahil pangit siya. Sa halip ay ginalingan niya lalo.

At kitang-kita naman na napatunayan ito ng singer dahil sa tagumpay na patuloy nitong natatamasa hanggang ngayon.

Hindi rin naman lingid sa kaalaman ng lahat na marami rin ang na-inspire sa fashion sense ng singer noong mga panahon na hindi pa uso ang stylist sa mga artista.

“I don’t think that it was innate. I think you learn from people that you see on TV. Ako sa magazines. I was so addicted to magazines, as in. ‘Yung mga kapatid ko, ‘yan ang laging gift nila sa akin, ‘yung subscription ng buong taon.

“I was so addicted to it and then I would look at the clothes, hindi ako bibili ng mga damit na ‘yun kasi namamahalan ako pero ang ginagawa ko, every year, nagtu-tour ako ng States. So when I go to the States, I would buy clothes for a whole year.

“Kung ano ang uso, ayoko ng uso. Ganon ako mag-isip so kaya laging iba ang itsura ko,” kuwento nito.

Aniya parang rebelde raw siya noon dahil ayaw niya ng ka-terno lalo na sa mga damit kaya sa ibang bansa pa siya namimili.

Dagdag pa niya, inaral niya mismo kung paano mag-make up kaya hindi na siya nasasabihan ng pangit. Ayaw rin niya na magpa-make up sa iba dahil nababago ang itsura niya at ayaw niya ‘yun kaya siya mismo ang nagme-make up sa sarili.

Tinanong naman ni Bianca kung paano nagco-cope ang singer sa mga issues na ibinabato sa kanya noong hindi pa uso ang mga paraan kung paano protektahan ang mental health lalo na’t isa siyang sikat na artista.

“Actually hindi ako nagbabasa, eh. Hindi ako nagbabasa ng newspaper. Nakatira ako sa Bulacan so when I’m going home to Bulacan, I leave everything behind.

“It’s like Manila is my office so when I go home, it’s home. I rest. I’m just me, I’m just ‘ate’.

“I try not to involve myself with whatever although merong mga instance na may mga chismis na medyo masyadong malaki for me to ignore, still, going home was like a refuge for me.

“Sure, iiiyak ko ‘yun or whatever, magkukulong ako sa kwarto ko, pero it’s always like that. After ko maiiyak for how many days, I’ll be okay again kasi my whole family is supportive. Not just my parents but also my siblings,” paglalahad nito.

Giit pa nito, iba na ang panahon ngayon na may social media na parang lagi lang nandyan ang issues. 35 years na siya sa industriya at pag-amin nito, hindi naman palaging masaya o palaging nasa tuktok ang kanyang karera ngunit isa sa naging sikreto niya ay ang palaging pagpapakita nito sa shows at sa madlang pipol kahit na ano pa ang pinagdaraanan niya. Iyon daw ang pinakaimportante.

“Find what you are passionate about. Kasi parang feeling ko, it starts there. Lahat tayo naman nangangarap na ‘sana maging sikat akong artista’ or ‘maging milyonaryo ako’, or whatever there is but you need to find your passion kasi doon lalabas lahat ng creativity mo.

“You will fail at one point but you’ll learn to stand up and do it again,” payo ng Songbird sa mga taong naliligaw at ptuloy na naghahanap ng tamang daan kung ano ba talaga ang nais nila sa buhay.

Read more...