‘Journey’ ni Julie Anne mahirap ipaliwanag; Top 30 Clashers bakbakan na sa The Clash 4
Julie Anne San Jose
IBINANDERA na ang listahan ng mga masusuwerteng tutungtong sa next round ng ikaapat na season ng all-original Filipino singing competition ng GMA 7 — ang “The Clash!!!”
Matapos ang isinagawang auditions nitong mga nakaraang buwan, inanunsiyo na ng “The Clash” ang aspiring singers mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao ang pasok sa Top 30 Clashers.
Excited na ang mga Kapuso na mapanood ang mas pinatindi at pina-level up na bakbakan ng Clashers sa bagong season ng “The Clash.”
Bukod sa performances ng Clashers, hindi rin dapat palagpasin ng viewers ang mga inihandang twists at surprises ng contest na hindi pa nakikita mula sa previous seasons nito.
Mapapanood pa rin sa “The Clash Season 4” ang Clash Masters na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, kasama ang Journey Hosts na sina Ken Chan at Rita Daniela.
Abangan din ang magiging pagkilatis ng The Clash Panel na sina Lani Misalucha, Christian Bautista, at Ai Ai Delas Alas.
* * *
Marami ang nag-abang sa pagpapalabas ng full trailer ng “Limitless, A Musical Trilogy” ni Julie Anne San Jose nitong nagdaang Biyernes.
Hindi naman nabigo ang fans ng Asia’s Limitless Star dahil worth the wait ang trailer na nagpasilip kung ano ang mapapanood sa first leg ng trilogy na kinunan sa Mindanao. Ipinakita rito ang ilan sa magagandang tanawin sa katimugang bahagi ng Pilipinas at ang pasilip sa paglalakbay ni Julie kasama ang locals doon.
Say pa ni Julie nang ibinahagi niya sa kanyang Instagram account ang trailer matapos ang TV premiere nito, “There are many experiences that’s hard to describe. There are a lot of emotions that’s hard to explain.
“Just like my journey. Mahirap siyang ipaliwanag, mahirap siyang ilarawan. Kaya mas mabuti pa, let me show you,” aniya pa.
Nakipag-bonding din si Julie sa kanyang fans via IG Live kasama ang creative director ng “Limitless” na si Direk Paulo Valenciano, Myke Salomon, at ang director of photography na si JC Gellidon.
Last Friday rin ini-release ang cover ni Julie sa hit song ng Hale na “Kung Mawawala Ka” at agad na itong pinusuan ng netizens. Nasa top 3 kaagad ang kanyang cover sa iTunes Philippines Chart. Talaga namang tuluy-tuloy ang blessings para sa Kapuso singer!
This Sept. 17 na ang unang leg ng “Limitless, A Musical Trilogy” at makakabili ng tickets sa www.GMANetwork.com/synergy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.