PAJAMAJAM: An online sleepover with Ian

Kasado na ang lahat para sa  ikatlong solo concert ng sikat na aktor at musikong si Ian Veneracion. PAJAMAJAM: An online sleepover with Ian.

Sa panahon ngayon, bawal pa ang mga sleepovers kaya naisipan ni Ian na gumawa ng isang online concert kung saan para na ring nakikitulog ang audience sa kanya. Kumpletos recados – mga drinks, chichirya, musika at walang katapusang kulitan ang hatid ng simpatikong aktor at singer.

Mga “old school songs” ang nilatag ni Ian at ng kanyang banda. Mga awiting siguradong magbabalik ng mga ala-ala na pwedeng sabayan ng kantahan.

Mahilig si Ian sa outdoors, kaya’t nang nagsimula ang pandemya at di maka-alis ng bahay, lalo siyang nag concentrate sa kanyang musika. Piano at gitara ang kanyang naging kasama araw araw kaya’t naisip niyang mag online concert. Ito ang kanyang pangalawang online concert sa taon na ito. Ang una ay nangyari noong Marso, kasama ang batikang singer-songwriter na si Ogie Alcasid na pinamagatang “Kilabotitos”.

Kung nais niyong maki jam sa inyong mga bahay kasama si Ian, suot ang inyong pinaka kumpurtableng pantulog, tara na!

Ang PAJAMAJAM ay mangyayari na ngayon Biyernes, August 27, 8pm at Sabado, August 28. 11am. Mag log-in lang sa ktx.ph para makabili ng tickets sa halagang P850.

ADVT

Read more...