Ivana kay Mona: Sana magka-BF ka na magmamahal sa ‘yo, sana hindi mapunta sa ‘yo ang sumpa ng…

MAY pagbabanta ang sexy actress-vlogger na si Ivana Alawi sa mga lalaking manliligaw at magiging future boyfriend ng kapatid niyang si Mona Alawi.

Ibinahagi ni Ivana sa madlang pipol ang munting sorpresa ng kanyang pamilya para sa 17th birthday ni Mona sa pamamagitan ng bago niyang vlog sa YouTube.

Nag-post din siya ng litrato nila ng nakababatang kapatid sa Instagram kung saan nakasuot sila ng identical shirts at nilagyan ng caption na, “Happy birthday to my forever love, best friend, videographer, editor, prankerista, bebegirl, strong, tech expert and best sister @_monaalawi.”

In fairness, ilang oras pa lang naka-upload sa YouTube ang kanyang “HAPPY BIRTHDAY MONA!” vlog ay naka-1.2 million views na ito.

“Nag-prepare kami ng very, very simple celebration at isasama namin kayo kung saan nag-celebrate ang 17th birthday niya.

“Alam n’yo naman na ECQ (enhanced community quarantine) ngayon so hindi kami makalabas pero ang gagawin namin is mag-se-celebrate na lang kami ng very simple at also guys, kinausap ako ni Mona last week.

“Inupo niya ako sa upuan at ito yung nangyari. Sabi niya, ‘Ate huwag kang gagastos.’ Ayaw niyang gumastos. Mas gusto niya ipamigay ulit sa inyo kesa igastos namin. 

“Bumili ako ng balloon, yung flower set-up, ayaw niya ng ganun so sabi ko okay behave ako today. So we’ll just hold a simple celebration,” pagbabahagi ni Ivana.

Pero ayon sa dalaga, gustuhin man niyang i-grant ang wish ng kapatid to just have a simple celebration, hindi pa rin niya ito talaga napagbigyan, lalo na ang pagbibigay ng mga regalo sa bagets.

“Naghanda kami ng food and ng mga gifts niya. Ayaw din niya actually niya magpabili ng gift kasi pag tinatanong ko siya kung anong gusto mo. 

“Pero as a strong girl dapat deserve niya talaga na mabalik man sa kanyang kaarawan ang konti sa mga pasaya niya sa akin at sa pamilya namin at sa pagpapasaya din sa inyo.

“Kasi alam niyo naman yun, prankster tapos matalino sa mga gadget. So she’s my baby girl and she will always be our baby girl. 

“Si Mona ang request niya ngayong birthday niya pare parehas buhok namin kaso yung kuya hindi mai-perm eh yun lang,” pahayag pa ni Ivana.

Bukod sa bagong gaming console, niregaluhan din nina Ivana si Mona ng baking mixer at isang sosyal na  electruc fan para sa kanyang kwarto. Ilan lang daw ito sa mga nasa wish list ng kapatid.

Kuwento pa ng isa sa pinakasikat na vlogger sa bansa, pareho sila ni Mona na hindi mahilig sa mga bonggang birthday party at mamahaling mga regalo.

“Actually ako nu’ng bata ako ang gusto ko talaga ayoko mag-debut kasi nga wala ako ma-invite lalo na Pasko ang birthday ko alam ko walang pupunta. Pero yung mama ko pinilit niya ako mag-debut so meron akong picture,” chika ng sexy actress.

Narito naman ang birthday message ni Ivana para kay Mona, “I wish you happiness and I wish you all the love and I wish you all the success in life. I wish that all your dreams will come true.

“Sana lahat ng dream mo magkatotoo. Wish ko din magkaroon ka rin ng boyfriend na magmamahal sa ‘yo. Sana hindi mapunta sa ‘yo ang sumpa ng Alawi family. Ha-hahaha!

“Huwag kayo loloko-loko talaga sa kanya kasi ako makakalaban ninyo. Huwag niyo kakalimutan yun ah!” ang mensahe pa ni Ivana na may halong pagbabanta.

Read more...