ANDI EIGENMANN mas naging hot matapos mabuntis at manganak

Bagay na bagay daw kay Andi Eigenmann ang bagong role niya sa seryeng Galema: Anak Ni Zuma na malapit nang magsimula sa ABS -CBN. Sa teaser ng nasabing serye, marami ang nagsasabi na swak na swak sa kanya ang role bilang “babaeng ahas”.

Marami rin ang nakakapansin na mas gumanda at mas naging hot si Andi, kahit na nga may anak na ang aktres ay parang dalagang-dalaga pa rin ito.

Sa katunayan, sa presscon kamakailan ng pelikulang “Momzillas” ng Star Cinema ay nagkakaisa ang mga katoto sa pagsasabing mas lumabas ang sex appeal nito matapos manganak.

Ibig sabihin mas maraming kalalakihan daw ang nagkakagusto sa anak ni Jaclyn Jose. Kaya hindi na kami magtataka kung maraming sumubaybay sa bago niyang serye na Galema, ang kuwento tungkol sa isang ekstra-ordinaryong babae na gagawin ang lahat para matanggap siya sa isang mundong hindi raw para sa kanya.

Ngayong Setyembre, masisilayan na ng TV viewers ng ABS-CBN ang makamandag na ganda ni Galema: Anak ni Zuma. Ito ay halaw sa sikat na serye sa komiks ni Jim Fernandez na mas naging popular sa masa ng maisapelikula ito noong 1985 at pinagbidahan ng aktres na si Snooky Serna. Ito ay ididirek ni Wenn Deramas.

Makakasama ni Andi rito sina Matteo Guidicelli, Meg Imperial, Sunshine Cruz,  Sheryl Cruz, Carlos Morales, Divina Valencia, Lito Legaspi, at ipinakilala si Derick Hubalde bilang si Zuma.

( Photo credit to Google )

Read more...