Korina kay Bea: Ngayong nakalipat ka na, does it feel weird to be in GMA 7?

Rhea Tan, Korina Sanchez at Bea Alonzo

DIRETSAHANG tinanong ng veteran broadcast journalist na si Korina Sanchez si Bea Alonzo kung nakaramdam ba siya ng “weird” feeling habang pumipirma siya ng exclusive contract sa GMA 7.

Twenty years nagtrabaho si Bea sa ABS-CBN at ngayon nga ay Kapuso na siya at nakatakda na ngang gumawa ng mga proyekto kasama ang mga pambatong artista ng GMA, una na nga riyan si Alden Richards.

“So now you’re with GMA 7. Does it feel weird to be in GMA-7?” tanong ni Korina kay Bea sa virtual anniversary celebration ng Beautederm (na pag-aari ni Rhea Tan) na pareho nilang ineendorso.

Patuloy pang kuwento ni Bea, “I have to say it felt surreal. When I was signing the contract already, parang hindi ako makapaniwala.

“Parang it was like a dream kasi, imagine, I was working for ABS-CBN for 20 years.

“Then all of a sudden, I was signing a contract with GMA, so it was a big shift sa buhay ko, di ba?” tugon ni Bea.

“It was a new chapter that would change my life possibly. So, surreal siya sa akin. Parang di ako makapaniwala just hearing my name being announced as the ‘new Kapuso.’

“Parang merong gaan sa dibdib when you’re doing something that you like to do. Yung magaan sa loob. Parang everything is falling into place. I felt that,” sey pa ng girlfriend ni Dominic Roque.

Mensahe naman ni Korina kay Bea, “Some of us are really very blessed na ang hirap ng industriya ngayon, alam mo naman ‘yon.

“Nagsarado ang ABS-CBN, tapos nagkaroon pa ng pandemic. Ang daming nawalan ng work. It’s really a struggle. 

“Pero you are so blessed na nandiyan ka and really still so relevant,” sabi pa ng broadcast journalist.

Samantala, anytime ay sisimulan na ni Bea ang upcoming projects niya sa GMA, kabilang na ang pelikula nila ni Alden Richards at isang teleserye.

Iikutin din daw niya ang iba’t ibang shows sa GMA, “Gusto kong malibot yung bago kong tahanan at makilala ang mga bago kong kapatid, yung mga bago kong Kapuso.”

Read more...