Ex-beauty queen Sharifa Akeel ikakasal na kay Cong. Toto Mangudadatu

Toto Mangudadatu at Sharifa Akeel

IKAKASAL na si Miss Asia Pacific International 2018 Sharifa Akeel kay Maguindanao 2nd District Rep. Esmael “Toto” Mangudadatu.

Magaganap ang kanilang wedding  sa darating na Miyerkules, Aug. 25, ito’y base na rin sa Facebook page ng National Commission on Muslim Filipinos, Bureau of External Relations.

Ayon sa official announcement, “CONGRESSMAN AND BEAUTY QUEEN TO BE WED ON AUGUST 25.

“LOOK | Congratulations and best wishes to Miss Asia Pacific International 2018 Sharifa Akeel and Congressman Esmael ‘Toto’ Mangudadatu!

“They will be wed on August 25 at the Alnor Convention Center in Cotabato City (Walima Celebration),” ayon pa sa FVlB post na ang tinutukoy ay ang seremonya kung saan kailangang ihayag sa publiko ang magaganap na Islam wedding.

Ayon pa sa ulat, ang Islam wedding nina Mangudadatu at Sharifa ay gaganapin sa Al Nor Hotel & Convention Center sa Cotabato City.

Kung matatandaan, naging kontrobersiyal ang relasyon nina Mangudadatu at Sharifa nang biglang lumantad ang isa pang legal wife ng kongresista na si Mylene Maligaya-Mangudadatu noong nakaraang taon.

Ibinuking niya noon na may relasyon umano ang kanyang asawa at si Sharifa na nagsimula raw noon pang 2019. Hindi niya diretsahang pinangalanan ang beauty queen pero tinawag niya itong “Ms. Desperada.”

Read more...