US filmmaker isinali ang premyadong LGBTQ horror-love story sa Cinemalaya 2021

Adrian Arias at Luis Padilla

KAPAG sinabing tungkol sa LGBTQIA+ ang isang pelikula o serye, madalas ang iniisip agad ng mga manonood ay love story ito.

Pero iba ang kuwento ng “Don Filipo” dahil horror-love story naman ang tema nito kung saan bibida sina Adrian Arias at Luis Padilla mula sa direksyon ng US filmmaker na si Tim Muñoz na dating taga-ABS-CBN.

Bago palang sa showbiz industry si Adrian na nanalong Mr. Bulacan, 2018, Mister Continental-Tourism, 2019 at Mister Culture World Ambassador, 2019. Part time model din siya at nagtapos ng kursong Theater Arts sa Bulacan State University. Napanood siya sa iWant mini-series na “Uncoupling” (2019), “Amore” (2020) at “Saan Sana Tayo” (2021).

Si Luis naman ay nagbida na sa web series na “Boy’s Lockdown” kasama sina Alec Kevin at Ali King mula sa direksyon ni Jade Castro na ipinalabas noong 2020.

Ang “Don Filipo” ay isa sa feature film ng indie nation category ng Cinemalaya 2021. Ngunit nagtataka kami dahil humakot na ito ng napakaraming awards mula sa iba’t ibang film festivals sa ibang bansa, pero isinali pa rin ito sa nasabing film festival sa Pilipinas.

“Passion project lang, hindi ko ini-expect but by chance pinasok sa mga film festivals nagustuhan naman nila, okay naman at proud ako kasi ‘yung makuha mo ‘yung recognition ng mga kababayan mo and Cinemalaya is a big venue for that and proud ako kasi isa ito sa malaking festival sa Manila. Pag nakapasok ka kasi sa Cinemalaya something to be proud of,” kuwento ni Direk Tim via zoom mediacon hosted by MJ Felipe.

Unang pelikula itong idinirek ni Tim dahil writer ang designation niya noong nasa Kapamilya network pa siya kasama si Enrico C. Santos bilang writer-producer at ngayon ay vice president na ng ABS-CBN Films.

Mahilig sa LGBTQ at horror movies si direk Tim kaya pinagsama niya ito sa iisang pelikula kaya ang resulta ay horror-love story.

Palabas ang “Don Filipo” virtually sa Cinemalaya ngayong araw, Agosto 23, 27, 29, 31 at Setyembre 2 simula 10 a.m. onwards at mabibili ang tickets sa KTX.

Sa isang liblib na lugar sa Bulacan pumasok na caregiver si Luis kay Don Filipo na hindi alam na maraming misteryong nagaganap sa loob ng mansyon dahil halos lahat ng nakatira roon ay isa-isang nawawala maliban sa lalaking helper na si Adrian.

Napanood namin sa trailer na lahat ng nakakaniig ni Adrian ay nawawala at nagkagusto rin siya kay Luis na simula ay ayaw nito pero dahil tinatakot siya. 

Tinanong namin si Direk Tim kung paano niya napili ang dalawang bida ng Don Filipo gayung nasa Amerika siya dahil dumaan sa audition ang dalawa.

“Ang casting director ko kasi si KC Manuel, masipag siya so ang ginawa nia nag-contact siya ng iba-ibang agencies at nakuha si Luis sa theater at si Drei (Adrian) nakuha sa pageant, tapos in-interview ko at ‘yung iba hindi kayang gawin ‘yung scenes na ni-lay out ko naman sa kanila ahead of time kung kaya nilang gawin ang sexy.

“Major thing kasi sa akin ‘yung madaling makakasama sa trabaho at kung sa audition stage palang marami ng limitations, e, hindi na kao kumportableng kasama ka, so pag na interbyu kita, na-audition kita and kumportable ka na sa mangyayari happy na ako kasi we’ll go from there,” pahayag ng direktor.

Maraming nagandahan sa pelikula dahil kakaiba ang kuwento kaya siguro humakot ito ng napakaraming awards kabilang na ang Uruvatti International Film Festival (Karaikkudi, India), Best International Feature Film; Mabig Film Festival (Augsburg, Germany), Best LGBT Film; at Stockholm City Film Festival (Stockholm, Sweden), Best LGBT Film.

Read more...