Janine Gutierrez
MATUNOG na ang pangalan ni Janine Gutierrez sa New York Asian Film Festival dahil nauna na siyang napansin sa pelikulang “Babae at Baril” na opening film sa nasabing festival noong Agosto 28 hanggang Setyembre 12, 2020.
Maraming pumuri sa karakter ni Janine sa pelikula na idinirek ni Rae Red kaya naman nang mapanood muli ang pelikulang “Dito at Doon” ay humanga sila dahil ibang karakter naman ang nakita nila sa aktres mula sa direksyon ni JP Habac at produced ng TBA Studios.
Nanalong Rising Star si Janine sa katatapos na New York Asian Film Festival Awards base sa post ng NYAFF noong Agosto 7.
“We are thrilled to present @janinegutierrez with the Rising Star Award this year. Catch the North American Premiere of the sexy, sweet rom-com ‘Here and There’ on August 21 at @svatheatre or watch it virtually from August 22-27.”
Hindi personal na natanggap ni Janine ang award kaya naman ng makuha niya ito ay buong pagmamalaki niya itong ipinost sa kanyang Instagram account ngayong hapon.
“Happy girl thank you so much to the @newyorkasianfilmfestival for the Rising Star Award so grateful for your support of Filipino films and creatives, for sharing your platform and getting our stories out into the world.
“Thank you to my @tbastudiosph family, @palasyonidaphne, @lexterfavor, @omardarling, Direk @jphabac, @j.c.santos, @victoranastacio, @yeshburce, the writers @alexgonzales23 @kristinpbarrameda and everyone behind Dito at Doon.
“Our little lockdown film is so special to me at mas special pa na maraming naka-relate kay Len at Caloy at sa walang sawang ECQ as we kept saying nu’ng press days namin for the film, sana magsilbi itong paalala na kung ano pa man ang pinagdadaanan mo, hindi ka nag-iisa.
“This award is especially for everyone who has supported Filipino films despite cinemas being closed for a year and a half now. Hindi madali pero andito ka.
“Sa mga bumibili ng ticket online, sumusuporta sa mga streaming sites at naglalaan ng oras para sa mga virtual premiere – salamat. thank you for supporting the industry and everyone who works in it. you mean everything to us. thank you for coming with us on this journey.
“Looking forward to sharing Dito at Doon / Here and There with more of you as we hit @netflix worldwide on September 2!! see you there.
“Lastly, I feel like part of this recognition is also because Babae at Baril was part of the #NYAFF last year. forever grateful to team Babae.”
Mula sa BANDERA, binabati namin si Janine at ang TBA Studios.