True ba, Pacquiao hindi binayaran ang talent fee ni Mike Hanopol?

Manny Pacquiao at Mike Hanopol

MAINIT na pinag-uusapan ngayon sa social media ang pasabog na post sa Facebook ng legendary Filipino rock icon na si Mike Hanopol laban kay Sen. Manny Pacquiao.

Ibinandera kasi ng original member ng Juan dela Cruz Band sa madlang pipol ang kinikimkim niyang sama ng loob laban sa Pambansang Kamao.

Ayon sa Facebook post ng veteran singer-songwriter, hindi pa raw siya binabayaran ni Pacquiao sa mga kantang ginawa niya para sa boxing champ.

“Sabi Pacman gusto nya makatulong di Importante ang pera sa kanya,” simulang pahayag ni Mike Hanopol. 

“E bakit ayaw mo ako bayaran nagpagawa ka ng hebrew songs sa akin i spend money on studio and musician di mo naman ako binayaran san ang tulong na sinasabi mo di ka na naawa matanda na ako niloko mo pa ako,” aniya pa.

Maraming nagkomento sa hinaing ng beteranong OPM artist at halos lahat ay hindi makapaniwala na magagawa ni Pacquiao ang ganu’ng bagay sa isang nirerespetong music icon sa bansa.

Anila, baka raw hindi lang sila nagkaintindihan ng senador pero dapat lang na bayaran ni Pacman ang obligasyon niya dahil pinaghirapan din naman ni Mike ang mga kantang isinulat niya.

Sa isang ulat, noong 2019 ay personal na nagkita sina Mike at Pacman at ito’y na-feature pa sa vlog ng Jew vlogger na si Drew Binsky.

Dito nabanggit ng senador na marunong pala siyang magsalita ng Hebrew at kinumpirma rin sa nasabing vlog na nagpagawa nga si Pacman ng Hebrew songs kay Mike Hanopol.

Wala pang official statement ang Team Pacquiao hinggil sa isyung ito. Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag ng senador tungkol dito. Nagpadala na rin kami ng mensahe sa official social media accounts ni Pacquiao para kunin ang kanyang panig.

Bukod sa pagiging bass guitarist noon ng Juan dela Cruz Band, isa rin siyang singer, recording artist at itinuturing ngang isa sa mga pioneers ng rock music sa Pilipinas.

Ilan sa mga pinasikat niyang kanta ay angv OPM songs niya ay ang “Katawan,” “No Touch,” “Laki sa Layaw Jeproks,” at “Titsers Ememi No. 1.” 

Read more...