Hiwalayang Paolo-LJ kinumpirma na ni Lolit Solis; kasalanan nga ba ni Yen Santos?

Yen Santos, Paolo Contis at LJ Reyes

MARAMI ang nagsasabi na baka raw gimik lang ang chikang naghiwalay na sina Paolo Contis at LJ Reyes. 

Nakapanghihinayang naman daw kasi kung mauuwi rin sa wala ang ilang taon nilang relasyon na nagbunga pa ng isang napakabibo at napaka-cute na batang si Summer.

Ito’y matapos ngang mag-zero following si Paolo sa Instagram kung saan kasama sa mga nabura sa mga pina-follow niya si LJ.

Kumalat ang chika ng kanilang break-up kasabay ng pagpapalabas sa Netflix ng bagong pelikula ni Paolo at ni Yen Santos, ang “A Faraway Land.” 

Kaya naman nadamay ang pangalan ng aktres sa hiwalayan ng Kapuso couple. Ngunit may mga nagtanggol naman sa aktres at sinabing masaya ang lovelife ngayon ni Yen kaya imposibleng siya ang dahilan ng break-up nina Pao at LJ.

Sa gitna ng isyu ng hiwalayan ng mag-live in partner, ipinalabas naman sa “Mars Pa More” ang episode kung saan naging guest co-host si LJ.

Dito, natanong ang aktres kung ano ang pipiliin niya — isang major role sa pelikula o sumama sa kanyang dyowa kapag niyaya siyang mag-migrate sa ibang bansa.

“For me kasi, siguro dahil din sa pandemic, parang gusto kong mag-try ng something new, alam mo ‘yon. Kunwari, sabihin ni Paolo na, ‘Halika, pack your bags and migrate,’ gusto kong i-try,” sagot ni LJ.

Sinagot din niya ang tanong kung ano ang pagkakamaling ginawa niya na ikinasira ng isang good relationship sa kanyang past, “Wala pa naman, ‘no.

“Pero feeling ko kung meron mang masisirang relationship… ako, because of ugali ko or whatever, siguro stubbornness ko minsan. Mapilit talaga ako,” pag-amin ng Kapuso actress.

Hanggang ngayon ay wala pa ring official statement ang dalawa tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon kaya ang feeling ng kanilang fans baka raw bahagi lamang ng promo o bagong project ang kumalat ng chika.

Samantala, tila kinumpirma na ng manager ni Paolo na si Manay Lolit Solis ang paghihiwalay ng Kapuso couple sa pamamagitan ng kanyang Instagram post.

“Naku ha, smokes screen naman masyado iyon tsismis na isinasali sa hiwalayan Paolo Contis at LJ Reyes iyon pangalan ni Yen Santos. Open secret naman o silent whisper kung sino talaga ang karelasyon ni Yeng Santos noh!

“Huwag na siyang isali at baka kung ano pa ang lumabas, mas shocking pa ang mangyari. Walang 3rd party sa hiwalayan Paolo Contis at LJ Reyes, it was a matter of na outgrow na nila ang romance sa kanilang relasyon. 

“Kesa naman humantong pa sa pag aaway, mas gusto na nila na maghiwalay ng maayos, at dasal na mag end as friends. Huwag na natin idamay pa si Yen Santos dahil may sarili siyang love story kaya hindi siya kasali sa love life nila Paolo at LJ noh! 

“Huwag ng guluhin ang issue, huwag ng magdagdag ng casting para hindi lumaki ang production cost, hah hah. Stop na natin script sa ending nila Paolo at LJ, huwag ng dagdag subplot para hindi gumulo ang istorya. 

“Ganuon lang iyon, nawala ang romance, stop, bago maging horror story. Bongga di ba Salve at Gorgy, ayaw nyo ng triangle love affair di bah? Kaya, tapusin na duon ang story. Finish na. Babuuuu!” pahayag pa ng talent manager at veteran entertainment columnist.

Bukas pa rin ang BANDERA sa magiging official statement nina Paolo, LJ at Yen hinggil sa isyung ito.

Read more...