Jinkee kay Pacman: Win or lose you are forever the champion of our hearts, I’m proud to be your wife!

Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao

TANGGAP na tanggap na rin ni Jinkee Pacquiao ang pagkatalo ng asawang si Sen. Manny Pacquiao sa Cuban boxer na si Yordenis Ugas.

Ngunit kahit na nga tinalo ni Ugas si Pacman sa naging bakbakan nila para sa super WBA welterweight belt, sinabi ni Jinkee na mananatili pa ring kampeon ang Pambansang Kamao sa kanyang puso.

Sa kanyang Instagram page idinaan ni Jinkee ang kanyang mensahe para sa asawang boksingero kalakip ang mga litrato nila na kuha pagkatapos ng laban.

“Words cannot express how proud I am of the man you are. I’m proud to be your wife. You mean the world to me and all our children. 

“We love you so much. We your family have seen how much you have toiled, sacrificed and given of yourself blood sweat and tears since the beginning when you dreamed of becoming world champion,” simulang pahayag ng celebrity vlogger.

Patuloy pa niya, “You never think of yourself and not afraid to risk your life on the ring time and time again because you love to make the people happy.”

Kasunod nito, siniguro rin niya na kahit natalo siya ni Ugas ay siya pa rin ang champion sa puso ng lahat ng sumusuporta at nagmamahal sa kanya mula noon hanggang ngayon.

“Over the years we have become even more proud to be by your side as you inspire us to be kind giving and helpful to all. 

“More than your record feats in Boxing It is your love for God, dedication to the Word, and desire to share Jesus to every person you meet that makes us admire you more,” pahayag pa ni Jinkee.

“Win or lose on the ring you are forever the champion of our hearts. To all our kababayans all over the world thank you for loving Manny. He loves you more than you know,” pahabol pa ng misis ni Pacquiao.

Nauna rito, nag-sorry ang senador sa sambayanang Filipino pagkatapos ng laban, “I’m sorry that we lost tonight but I did my best and I apologize.”

Nagpasalamat din siya sa lahat ng mga supporters niya, lalo na sa mga nagpunta pa sa T-Mobile Arena sa Amerika para panoorin nang live ang laban niya kahit may pandemya.

Sa nasabing panayam ay natanong din si Pacquiao kung lalaban pa siya uli pagkatapos niyang matalo, “I don’t know. Let me rest first, relax and make a decision if I will continue to fight or not.” 

At tungkol naman sa balitang pagtakbo niyang pangulo ng Pilipinas sa 2022 elections, “I will make a final announcement next month. I know I’m facing a big problem, more difficult work than boxing but I want to help the people. I want to help them.” 

Read more...