Baguhang sexy actress ipinagtanggol din si Arjo: It was a life and death situation!

Alexa Miro at Arjo Atayde

ANG ganda ng bagong leading lady ni Arjo Atayde sa pelikulang sinu-shoot nila sa Baguio City na nagngangalang Alexa Miro.

Una siyang napanood sa pelikula ni Direk Erik Matti na “A Girl + A Guy”  na ipinalabas sa Upstream.ph nito lang nagdaang Hunyo.

Isa si Alexa sa naka-quarantine ngayon sa isang hotel dito sa Maynila at sa pamamagitan ng Instagram story ng baguhang aktres ay ikinuwento nito ang mga nangyari sa kanila sa Baguio.

“Good morning everyone! Sana maayos ang gising n’yo at nakapananghalian na ang karamihan sa inyo.  I just wanted to leave this here for those of you who don’t know the entire situation and have only heard news left to right.

“Many are saying Arjo Atayde left and abandoned us in Baguio when he tested positive for COVID-19.  That, first and foremost, is FALSE.

“It was a life and death situation; one everyone was rattled about most especially Arjo’s family. He was experiencing symptoms (read the article provided by their family doctor) and given his previous medical condition, anybody, any family in their sane mind would do the same.

“Us his co-actors were very worried as well as and wanted him to receive immediate proper medical care despite him insisting he did not want to leave us behind. And that, he DIDT NOT do.

“From start of our filming up to this very point we have been taken care of to the highest degree.  Sobrang spoiled na nga namin sa alaga.  Kahit ako di ako makapaniwalang may ganoong klaseng production pala, ‘yung abot langit ang kalinga para sa lahat.

“Walang pinababayaan, lahat inaasikaso, lahat binubusog sa pagmamahal kahit anong gusto at kailangan. Hindi rin po totoong hindi naisasagawa ang tests because there are antigen tests for us weekly, complete with PCR testing pa once we noticed something was wrong.

“The necessary actions were taken and every single one of us are carefully being monitored. Maayos na maayos po ang lagay namin, wala rin po kaming hinangad kahit kailan na makapahamak ninoman.

“Nakabuo na po kami ng pamilya sa produksyon ito. At bilang pamilya, kami po ay nagkakaisang humihingi ng pag-iintindi, paumanhin at mga panalangin para sabay-sabay kaming gumaling at makauwi sa mga mahal namin sa buhay,” mahabang paliwanag ng aktres.

Samantala, abut-abot ang pasalamat ni Alexa sa pamilya Atayde sa maayos na pangangalaga sa kanila.

“I cannot thank the Atayde family enough for everything they have done for us. Feelmaking productions, Arjo of course, and for everyone of you who have been sensitive and understanding about our situation.

“Sana manaig ang kabutihan ng ating mga puso pagkat ‘yan ang pinaka-kailangan nating lahat ngayon.  Kindness.  I pray for everybody else to stay safe and healthy, and I thank God for keeping us alive.

“He is always watching.  Hindi  niya tayo pababayaan kailanman (emoji praying hands at heart),” aniya pa.

Read more...