Angel, Neil nagpa-house tour: Sobrang laking ginhawa, sobrang laking tipid namin! | Bandera

Angel, Neil nagpa-house tour: Sobrang laking ginhawa, sobrang laking tipid namin!

Ervin Santiago - August 22, 2021 - 01:09 PM

Neil Arce at Angel Locsin

BONGGA ang pa-house tour ng celebrity couple na sina Angel Locsin at Neil Arce na mapapanood sa kanilang latest YouTube vlog.

Dito, ipinasilip ng bagong kasal ang ilang bahagi ng kanilang love nest, kabilang na ang living room, gym, garden pool at vegetable garden.

Ayon kay Angel, kahit mahirap at sobrang nakaka-stress maglipat at mag-ayos ng sariling bahay, na-enjoy naman daw nila ni Neil at bawat proseso nito.

“For the past months, it’s been our project to turn our new house into a home. Definitely not as easy (haha) as we thought it would be, BUT it was worthwhile! 

“Natutunan namin how to compromise and negotiate our own individual styles, and make OUR touches become more visible in every area,” pahayag ng Kapamilya TV host-actress. 

Sa unang bahagi ng nasabing house tour vlog, ibinahagi ng mag-asawa kung paano nila natagpuan ang kanilang bahay at kung kailan nila ito sinimulang ipaayos.

“Ang tagal naming naghanap. Siyempre dapat kumportable kami, okay sa locations ng trabaho namin, kaya ng budget.
“Nu’ng akala namin wala na kaming mapipiling bahay, dumating naman itong napakalaking blessing na ‘to at in-offer naman ito nu’ng family ni Neil. 
“Ayaw na sana namin tanggapin. Siyempre nakakahiya, eh. Ayaw namin umasa pero since only child itong asawa ko…,” biting chika ng aktres.

“Sobrang laking ginhawa, sobrang laking tipid namin sa maraming bagay. Medyo old house siya. Ipina-renovate lang namin nang konti. Actually si Angel karamihan nag-design diyan,” pahayag naman ni Neil.
Sey ni Angel, bukod sa pag-aayos sa bawat kuwarto at espasyo ng bahay, kinailangan din nilang resolbahin ang “termite problems” at ang mga “pipes”.

“At first ang saya, finally may bahay na kami di ba? Pagdating dito, paano tayo magsisimula? Mahirap din ah, kasi ang lakas ng personality ni Neil, ako rin naman meron akong sariling style. Sinong mananalo sa inyo? 

“Ito ang aming simpleng project. Well hindi naman kami mga designers. We decided na kami muna mag-design ng bahay. Mas tipid din. Ha-hahaha!

“Except for the bedroom kasi may mga kailangan kami mga furniture na i-restore so we asked our friend’s help, Celine from Simbulan para tulungan niya kami du’n,” aniya pa.

Makikita sa living room ng bagong kasal ang mga paboritong libro ni Angel pati na ang mga regalo nila sa isa’t isa ni Neil noong nagde-date pa lang sila. 

“We wanted to keep kung ano pa yung puwede pang magamit na maganda naman. In-update ko lang itong mga budol finds ko, mga nabili ko sa online store, mga throw pillows.

“Nu’ng ikinasal kami, dito lang kami nag-reception sa bahay. I made sure to request na kung ano man yung ilalagay na pang-decoration, hindi yung mga bulaklak na nalalanta the next day, di ba?

“Mahilig ako magbasa ng libro. Mga dating gamit ko ito sa condo. Yung mga libro namin dito The Godfather and Alfred Hitchcock,” kuwento pa ni Angel.

Makikita rin sa iba’t ibang bahagi ng kanilang bahay ang mga bonggang art works mula sa mga local artists. Pagpasok pa lang ay makikita na ang mga painting nina Jett Osian, Azor Pazcoguin at Manuel Baldemor. 

May mga sculptures din na gawa ni Ferdinand Cacnio at ng National Artist na si Ramon Orlina. Meron din silang framed photograph mula sa veteran Filipino cinematographer na si Neil Daza.

“Nakita ko siya sa isang art fair online tapos nakita ko ay si Neil Daza DOP sa bansa natin. Kinuha ko ito as remembrance at may pirma niya,” pahayag ni Angel.

Sa kanilang garahe naman nakalagay ang golf cart ni Neil na iniregalo sa kanya noon ng asawa, “Gift sa akin ni Angel ito for my birthday. Favorite ko na gift niya. Halos araw araw ko gamit yan.” 

Naroon din ang favorite black SUV ni Angel, “Ito yung baby (ko). Nag-promise ako dati na hindi ko ito ile-let go. Darating yung araw siyempre nag-asawa ka na or dumating din yung pandemic mari-realize mo talaga kung ano yung dapat i-keep mo. 

“So kahit sobrang mahal na mahal ko ‘tong sasakyan na ‘to, technically hindi ko na siya kailangan. Actually may bumili na nito. 

“Parang ako yata yung unang babae sa Pilipinas na nagkaroon ng Hummer. Nagamit ko siya noong Asian Treasure (Kapuso series) days, The General’s Daughter, sa halos lahat ng teleserye ko,” pahayag pa ng misis ni Neil.

Inilibot din ng aktres ang madlang pipol sa kanyang vegetable garden kung saan may mga nakatanim na calamansi, sili, tarragon, aloe vera, citronella, sweet basil at lavender.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Meron din silang bonggang garden pool kung saan nila ginaganap ang mga family gatherings at mga party kasama ang kanilang mga kaibigan. Ginamit na rin daw itong venue para sa mga performance ng mga OPM artists tulad nina Moira dela Torre, KZ Tandingan, Parokya ni Edgar at Rivermaya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending