WALLY hihingi ng resbak sa NBI, magsasampa ng demanda

How true na like Chito Miranda ay magsasampa na rin daw ng reklamo ang kampo ni Wally Bayola laban sa nag-upload ng sinasabing sex video niya kasama ang isang never-heard dancer at hihingi na rin ng tulong sa NBI?

Kung anu-ano ang lumabas na version kung paano kumalat ang sex video scandal ni Wally. Kesyo nagpaayos raw ito ng cellphone at doon nakuha ang video.

There are rumors din na ipinaayos ng EB Babes dancer ang kanyang laptop at doon nakuha ang sex video. Whatever it is, sila pa rin ang may kasalanan. Unang-una, wala namang lalabas na sex video kung wala silang ginawa.

Hindi ba’t nakatatawa na merong mga celebrities na nagrereklamo kapag lumabas ang sex video nila at naging kontrobersiyal pero hindi naman nila naisip na sila lang ang puwedeng sisihin.

In the first place, sino ba ang gumawa ng video. Kaya natatawa na lang kami kapag may nagrereklamo. Inirereklamo n’yo ‘yung nag-upload ng video n’yo na para bang sila ang may pinakamabigat na kasalan pero hindi n’yo naisip na ang burden of guilt ay nasa inyo dahil in the first place ay kayo ang gumawa niyan.

We think that it’s about time na magkaroon tayo ng batas na parurusahan ang gumawa ng sex video. As it is lang kasi, parang ang gusto lang nilang parusahan ay ang nagpapakalat nito sa internet.

How idiotic can some people get, ‘di ba? Dapat, lahat ng taong may sex videos ay ipakulong din. Pinag-uusapan ang sex video ni Wally sa social media. Ang taong hindi guilty ay ang unang reaction niya ay galit.

Siyempre nga naman, kung hindi mo naman ginawa talaga at kung hindi ikaw ‘yon ay magagalit ka nang todo lalo pa’t kilalang personalidad ka.

But it seems na mas pinili ni Wally ang manahimik. His silence is actually deafening. Parang naduwag si Wally na magbigay ng reaction sa pinakamalaking issue sa kanya. How sad!

Ang Eat Bulaga naman, ayaw magbigay ng pahayag. Mukhang pababayaan na lang nilang kusang mamatay ang issue and then ibabalik nila si Wally when all the brouhaha is over.

Napansin lang namin, parang ang daming romance ang nabuo sa Eat Bulaga. Nariyan ang Janno Gibbs-Gladys Guevarra, Vic Sotto and Coney Reyes, then Vic and Pauleen Luna, may Vic and Pia Guanio pa and now Wally and that EB Babes dancer.

( Photo credit to Google )

Read more...