Kylie Verzosa: Kapag beauty queen ka, you have to be the best version of yourself

Kylie Verzosa at Jake Cuenca

AMINADO ang beauty queen-actress na si Kylie Verzosa na hindi pa talaga siya magaling na artista noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz.

Ngunit habang tumatagal daw ay nagiging mas palaban na siya sa bawat role na ipinagkakatiwala sa kanya, lalo na nang gawin niya ang kanyang biggest break na “The Housemaid,” ang Pinoy version ng South Korean erotic thriller na idinirek ni Roman Perez, Jr..

“Hindi ako ganu’n kagaling talaga (noong nagsisimula pa lang). But over the years and with the experience, mas napapalabas ang talent ko.
 
“Given the right project and the responsibility of having to remake ‘The Housemaid,’ I told myself na ibibigay ko talaga ang best ko na magagawa for this movie,” pahayag ng Pinay Miss International.

Kuwento ni Kylie, kabaligtaran daw ng karakter niya sa “The Housemaid” ang personalidad niya sa totoong buhay pero, “Maybe ‘yung palaban na aspect, ako siya. Yung tahimik in some cases, yes.

“When you’re a beauty queen, you have to be the best version of yourself. The character of Daisy, you have to be the barest, most naked, most raw, unfiltered version of yourself. The most natural,” aniya pa.

Ayon pa sa dalaga, napakalaki ng naitulong sa kanya ng kanyang boyfriend na si Jake Cuenca sa kanyang acting career.

“He was the one who convinced me to do this project. He told me, ‘Gawin mo ‘yan. Magandang project ‘yan.’ Sobrang supportive niya sa career ko. I believe he will even go with me to watch this.

“Kami ni Jake, when were at home, we always talk about acting. Ang dami kong nakukuha na information at natutunan sa kanya. Sobrang swerte ko na partner ko siya and we work in the same industry,” pahayag ng aktres.

Isa sa mga matitinding challenge na hinarap nila habang nagsu-shooting ng “The Housemaid” ay ang pagsunod sa COVID quarantine protocols, “It was such a different experience doing this movie.

“The circumstances we were shooting in, very careful kaming lahat sa set. Sobrang grateful, but very difficult because it was a very heavy role for me. I needed to unload after every shooting each day,” saad pa niya.

Tungkol naman sa mga eksena niya sa pelikula, “Parang lahat talaga naging challenge for me. The challenges in my character, the intimate scenes. I had to take note of everything.”

Aniya pa, “Direct Roman is an actor’s director. He was very hands-on all throughout the shoot.

“When we all reported to the set, ready na siya sa lahat ng dapat gawin. Ready siya sa questions on the set, while shooting, after the take, 24/7. There were times I doubted myself compared to the past year, I’m really new. Like my character Daisy, she is always doubtful of herself. No confidence,” lahad pa ni Kylie.

Kasama rin sa movie sina Jaclyn Jose, Albert Martinez, Louise delos Reyes at Alma Moreno, “If you will compare our movie to the original, by shot, exactly the same or maybe even better the one Direk Roman made. Before the trailer came out, there was pressure. With Kuya Albert and Miss Jaclyn, I am really so grateful to them.”

At sa mga sensitibo at maiinit na eksena niya sa pelikula, “Hinanda ko din ang sarili ko for scenes like that. Sobrang nagpapasalamat ako dahil supportive si Kuya Albert.”

Mapapanood na ang “The Housemaid” simula sa Sept. 10 exclusive sa VivaMax.

Read more...