Angel handa na bang maging madrasta sa teenager na anak ni Neil?

Angel Locsin at Neil Arce

HANDA na bang gampanan ng Kapamilya TV host-actress na si Angel Locsin ang isa pang role na kaakibat ng pagpapakasal niya kay Neil Arce? 

Bukod sa pagiging wifey, isa na ring madrasta ngayon ang award-winning actress sa teenager na anak ng film producer.

Sa isang panayam, natanong si Angel kung napaghandaan na rin ba niya ang pagganap bilang stepmother sa 14-year-old son ni Neil at ano ba ang gusto niyang itawag nito sa kanya.

“Actually hindi ko rin po alam kung anong tawag sa akin kasi may mommy naman po siya. ‘Yung mommy niya sobrang nakatutok sa kanya, mabait, sobrang kalog na tao din talaga and priority din talaga siya,” pahayag ng aktres.

Natutuwa naman daw siya dahil maayos ang relasyon nila ng bagets. Pero aniya, “Hindi ko naman sinisingit ‘yung sarili ko sa picture. I am happy na tawagin akong Tita Angel. Wala akong problema doon. Kung tawagin niya ako ng kahit ano, walang problema sa akin.” 

Pinuri rin niya ang anak ng kanyang asawa dahil napakabait daw nitong bata at wala siyang masasabing nega sa pagiging bahagi ng isang  “modern family.”

Samantala, handa na ring magkaroon ng sariling anak sina Angel at Neil. Nang tanungin ang movie producer kung ilan ang gusto niyang anak, “Ako po ‘yung totoo, one lang pero maximum two. 

“Only child ako eh so medyo gusto ko ‘yung spoiled. At least medyo nakatutok din kami, hindi masyadong mahirap,” aniya pa.

Kung matatandaan, isa sa mga wish ng tatay ni Angel para sa mag-asawa ay ang magkaroon agad ng baby.

“I wish you happiness throughout your lives but this could only be achieved if you take good care of each other day by day. And much more if you put Christ in the center of your lives.

“I am now 94 years old and I wish that Neil and Angel will soon give me a grandchild,” sabi pa nito.

Read more...