Madam Inutz wagi sa challenge ni Wilbert Tolentino; namakyaw ng unan at comforter | Bandera

Madam Inutz wagi sa challenge ni Wilbert Tolentino; namakyaw ng unan at comforter

Therese Arceo |August 21,2021
facebook
share this

Madam Inutz wagi sa challenge ni Wilbert Tolentino; namakyaw ng unan at comforter

Therese Arceo - August 21, 2021 - 02:37 PM


MASAYA ang viral online seller na si Madam Inutz matapos magwagi sa pa-challenge ni Wilbert Tolentino laban kay Hipon Girl.

Bukod kasi sa sorpresang unli shopping for 2 minutes ni Momshie ay may pa-extra challenge ito na kung sino ang mas malaki ang mapapamili ay may additional P10,000 cash.

Kung may pa-deodorant at kalan si Hipon Girl, sandamakmak naman na mga unan at comforter ang hinakot ni Madam Inutz.

Pati nga mga staff ay tumulong na rin at nag-abot ng mga items na pwedeng kunin ni Madam.

“Nakita ko ‘yung mga tumulong na hindi tumulong sa ‘kin. May favoritism kayo,” biro naman ni Hipon Girl sa mga staff.

Nang matapos ay talagang masayang-masaya ang viral social media star dahil halos ng nakuha niya ay para sa kanyang inang maysakit.

Tinalo rin niya ang napamili ni Hipon Girl kaya siya ang magwagi ng P10,000 cash. Ang total ng napamili niya ay P342,173.00 na halos triple ng kay Hipon Girl.

Ayon naman sa kanya, ang napanalunang cash ay idadagdag nito sa pambili ng gamot ng ina.

“Napakasaya ko kasi parang panaginip lang,” umpisa ni Madam Inutz.

“First time in my life na naranasan ko ito. Hindi ko akalain na mae-experience ko ‘yung mga ganito. Dati napapanood ko lang pero tignan mo ngayon, naranasan ko,” pagbabahagi ni Madam Inutz.

Lubos naman ang pasasalamat ni Madam kay Momshie Wilbert dahil hindi talaga niya akalain na mabibigyan siya ng pagkakataon na ma-experience ang mga ganitong bagay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Recently ay pumirma na si Madam Inutz ng kontrata at si Wilbert Tolentino na ang kanyang talent manager matapos umalis sa Star Image Artist Management.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending