Kiko napa-susmaryosep habang pinapanood ang ‘Revirginized’

SHARON CUNETA AT KIKO PANGILINAN

MARAMI raw ang nagtatanong kay Sen. Kiko Pangilinan kung ano ang kanyang reaksyon sa movie na ‘Revirginized’ kung saan bida ang asawang si Mega Star Sharon Cuneta.

Kaya sa latest vlog nito ay naglabas ito ng reaction video sa movie ng asawa.

“Naisip kong magandang magkaroon ng reaction video bilang suporta para kay misis. Sabi nga, kakaibang Sharon daw ito at hindi tulad ng Sharon sa ibang pelikula,” paglalahad ng senador.

Bumungad naman sa senador ang party scenes sa beach kung saan wild na wild ang eksena.

“Susmaryosep, napasobra.” comment nito sabay bigay babala sa mga bata.

Naramdaman naman nito ang lungkot nang makitang umiiyak ang asawa habang hinihiwalayan sa pelikula.

“Gusto kong pumasok sa pelikula kasi sinasaktan si Sharon. Masyado akong naaapektuhan na parang ‘teka lang, misis ko ‘yan, ah,” saad nito.

Pinuri rin niya ang asawa dahil sa galing nito sa pag-arte na tipong mararamdaman mo ang emosyon ng character na ginagampanan nito.

Lumaki naman ang mata ng senador nang marinig ang mga malalaswang salita sa pelikula.

“Very colorful language,” comment nito.

Amin naman ng senador, malayo raw ang karakter ni Mega Star sa ‘Revirginized’ sa totong buhay. Hindi raw kasi ito umiinom.

“Isang sip lang, ayaw na niya. Hindi talaga nainom ng alcohol. Ang mga paborito niya, softdrinks,” kuwento niya.

Proud na proud naman si Sen. Kiko sa asawa dahil talagang mahusay ito at mahal nito ang ginagawa.

“Ako’y naniniwala na mahusay si misis. She loves her craft. She loves to perform. Willing siyang humarap sa mga challenging roles bilang isang propesyunal,” papuri nito.

Hinikayat naman ni Sen. Kiko na manood ng “Revirginized” dahil bukod sa magandang pelikula ito ay kapupulutan rin ng aral.

Read more...