Mariel, Robin masayang nag-celebrate ng 11th anniversary kahit ECQ

MARIEL RODRIGUEZ AT ROBIN PADILLA

IPINAGDIWANG nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez ang kanilang 11th anniversary kaya ang saya-saya ng mga posts ng huli.

Matatandaang Agosto 19, 2010 nang ikasal ang dalawa sa Taj Mahal, India kung saan sumunod si Mariel kay Robin sa kabila ng agam-agam ng aktor na baka hindi ito susunod.

Sabi nga ni Robin ay nasa kasagsagan ng kasikatan noon si Mariel pero mas pinili nitong maging maybahay niya.

Pinost ni Mariel ang mga larawan nila ng asawa sa mga bansang napuntahan nila na may caption na, “11 years (emoji ring) I’d still choose you @robinhoodpadilla happy anniversary.”

Ipinost din ni Mrs. Robin Padilla ang bouquet ng pink roses na bigay ni mister, “Pa Flowers ni Sir, thank you babe awwww @robinhoodpadilla yaaaay.”

At sa bahay nila sila nag-dinner dahil bawal lumabas.

“Our 11th Anniversary celebration at home since we can’t go out… we pretended we were eating at a Japanese restaurant he he thanks to my Mom for sending my favorite miso soup and kaki fry it completed my Japanese menu. Everything is home cooked today just like how Sir likes it cooking ina was on a roll today @robinhoodpadilla happy anniversary.”

Sumagot naman si Robin sa post na ito ni Mariel, “my babe the best date natin! Pinaka-relax ako sa lahat ng bagay, walang kahit anong pag aalala kundi puro sarap ng pag ibig at sarap ng mga pagkain. Walang tatalo sa lutong bahay ng Cooking Ina maraming maraming salamat babe at ginawa niyo ni mom @aprilai66 na very espesyal ang ating anniversary.”

Read more...