Jackie Chan, Hyun Bin patalbugan bilang endorser sa Pinas


PATALBUGAN talaga ang dalawang sikat na online shopping app dahil buwan-buwan ay may ipinakikilala silang bagong international brand ambassador bukod sa mga sikat na local artists natin dito sa Pilipinas.

Sa obserbasyon namin ay mas malakas ang ineendorso nina Willie Revillame at Kris Aquino dahil sinusubaybayan talaga sila ng tao lalo na sa kaso ng una dahil namamahagi siya ng premyo mula sa nasabing online shopping app sa pamamagitan ng programa niyang “Wowowin.”

Sa kaso naman ni Kris ay sinusundan din siya ng publiko dahil kung ano ang produktong ineendorso niya ay tinatangkilik ng lahat dahil naniniwala silang epektibo ito kapag ginamit ng Queen of Social Media.

Sa ibang bansa ay lagi silang nagpapalit ng brand ambassador tulad ngayong malapit nang dumating ang “ber months”, ang global superstar at movie icon na si Jackie Chan ang kinuha ng Shopee.

Tuwang-tuwa ang imbitadong showbiz reporters at vloggers dahil nagbigay ng message si Jackie Chan para sa mga Pinoy sa salitang Tagalog.
Pahayag ng veteran action star, “I enjoy putting a smile on people’s faces. It’s exciting to partner with them to celebrate the action-packed year-end festival.

“I had a lot of fun working with them and I think people of all ages will enjoy the activities and content that we have prepared together,” aniya pa.

Si Jackie Chan ang itinapat kay Hyun Bin na bagong endorser ng isa pang online shopping app kaya pati mga fans ng dalawang global superstars ay nagkakagulo rin at kanya-kanya silang tweet para mag viral ang dalawa.

Sa ginanap na zoom mediacon ay inamin ni Ginoong Martin Yu, director ng nasabing online shopping app, “The pandemic continues to affect both individuals and businesses. As communities continue to live, work, shop, and play from home, we have stepped up our efforts to ensure users have access to their daily essentials through our shopping campaigns.

“We are also committed to supporting local MSMEs and have launched a series of support initiatives as well as support local campaigns,” aniya pa.
Magkakaroon ng TV special ang nasabing online shopping app kasama ang mga sikat na guest performers kabilang na ang isang K-Pop group.

Read more...