Yen nag-unfollow rin sa Instagram; may koneksyon nga ba sa isyu nina Paolo at LJ?


USAP-USAPAN ngayon kung hiwalay na nga ba sina Paolo Contis at LJ Reyes matapos i-unfollow ng aktor ang kasintahan sa Instagram account nito.

Bukod pa rito, wala na rin ang mga litrato kasama si LJ sa account ng actor at tanging mga litrato na lang kasama ang anak na si Summer ang natira sa account nito.

Sa kabilang dako naman ay nananatiling naka-follow si LJ kay Paolo at makikita pa rin ang photos ng actor sa account nito.

Hanggang ngayon ay nananatiling tahimik ang dalawa ukol sa isyu.

Subalit tila pala-isipan rin para sa madlang pipol kung bakit 0 na rin ang following ni Yen Santos sa kanyang IG account.

Matatandaan na noong taong 2019 ay zero na talaga ang following ng aktres.

May ilang netizens na nagsasabing baka may kinalaman ang aktres sa isyung kinakaharap ngayon nina LJ at Paolo.

Si Yen Santos ang leading lady ni Paolo Contis sa movie nito na “A Faraway Land” na mapapanood ngayon sa Netflix.

Ang iba naman ay tila nagdududa at baka parte lang daw ito ng pagpo-promote nila ng “A Faraway Land” para mas ma-curious ang mga tao at panoorin ito.

Bukas naman ang BANDERA para pakinggan ang paliwanag nina LJ, Paolo, at Yen ukol sa isyu na ito.

Read more...