Niloloko ako?

Sulat mula kay Arminda ng Barangay II, Tangub City
Dear Sir Greenfield,
Mag-aanim na buwan na kami ng boyfriend ko. Pero, imbes na masaya ang aming relasyon, hindi ganito ang nangyayari. Dapat sana, kapag patagal nang patagal ay lalong nananabik sa isa’t isa. Parang walang nangyayari sa
aming dalawa. Kasi subsob raw siya sa trabaho. Nangako siya noon na dadalawin ako sa bahay kahit minsan sa dalawang linggo. Pero, kahit isang buwan ay di siya sumisipot. May kutob ako na niloloko lang niya ako. Gayunpaman, itatanong ko lang kung compatible kaya kami ng lalaking ito?
Umaasa,
Arminda ng Barangay II, Tangub City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Hindi ako nakatitiyak kung niloloko ka pero hindi mo nga makakatuluyan ang kasalukuyan mong boyfriend sa halip panandalian lang ang kasalukuyang relasyon. Ito ang nais sabihin ng Guhit ng Panandaliang Relasyon sa iyong palad (Illustration 1-1 arrow 1.). Ibig sabihin bagamat naging masaya ang una at ikalawang buwan ng inyong pagsasama, sa darating na mga araw, kusa na ring lalamig ang inyong relasyon hanggang sa mabalewala na.
Cartomancy:
Four of Hearts, Three of Hearts at Ten of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing matapos kayong magka-break ng boyfriend mo, sa buwan ng Oktubre, isang bago at mas romantikong boyfriend ang darating na may initial na R.J.
Itutuloy….

Read more...