RYZZA MAE babantayan ng MTRCB, sisiguruhing hindi na mababastos sa EAT BULAGA


Napakinggan namin sa programa nina papa Jobert Sucaldito at papa Ahwel Paz ang kanilang panayam kay MTRCB Chairman Atty. Eugenio Villareal kaugnay ng isyu sa morning show ni Ryzza Mae Dizon at sa Eat Bulaga.

Malinaw na sinabi ni Atty. Villareal na mayroon ngang paglabag sa dignidad ni Ryzza bilang isang bata na naganap sa naturang mga shows kaya’t agad siyang nakipag-meeting sa mga ehekutibo ng GMA 7 at sa TAPE Inc. producer ng dalawang shows.

Natuwa naman daw ang MTRCB chairman sa magandang pagpapakita ng sinseridad at kooperasyon ng mga executives ng TAPE lalo pa’t inamin ng mga ito na mayroon ngang lapses sa pag-handle ng mga programa, kung saan umano naganap ang violation.

Nauna nang ikinuwento ni Villareal ang insidente sa isang kalahok sa mismong show ni Ryzza kung saan nagawa pa raw makiusap ng bagets na TV host na magdahan-dahan ang dalaga na tumawag sa kanyang “malandi” dahil bata pa siya.

Sinundan nga ito ng isa pang insidente kung saan daw nabugahan ng juice ni Bossing ang bagets sa isang portion nila sa Eat Bulaga.

Nakatakdang magsumite ng kanilang “remedial measure” ang mga programang nabanggit bukod pa sa tatlong buwang “close collaboration” sa pagitan ng MTRCB, TAPE at GMA upang mapangalagaan ang pagiging host at talent ni Ryzza .

“Humiling sila hanggang Lunes (Sept. 9) upang magprisinta ng mga definitive remedial measures na ating hiniling na konkreto at time-based, at capable of feedback at evaluation,” saad pa ni Atty. Villareal.

“Ang mahalaga po ay mayroong mature na pag-acknowledge sa mga problemang tulad nito na hindi naman nating inaasahan na mayayari,” hirit pa ng MTRCB chief.

Bongga na talaga si Ryzza ha, imagine, pati sa MTRCB, naki-say sa isyu niya!

( Photo credit to Google )

Read more...