Luke Conde at Boobsie Wonderland
PROUD na ibinandera ng bagong Kapuso hunk na si Luke Conde na isa siyang certified K-pop fan.
Hindi raw siya nahihiyang aminin sa buong universe na grabe rin ang paghanga at respeto niya sa mga Korean artists, lalo na sa grupong ASTRO at SF9.
Aniya, sa sobrang paghanga niya sa mga nasabing Korean idols ay ginagaya rin niya kung minsan ang itsura at mga OOTD ng mga ito.
“Nagkataon kasi na si Moonbin ‘yung bias ko sa ASTRO so mas nakatutok ako du’n sa styling na ginagawa sa kanya.
“Actually, kahit sino namang K-pop artist basta nakitaan ko na magaling pumorma o maganda ‘yung songs I really appreciate it. Isa siya sa happy pill ko talaga specially ngayong may pandemic,” lahad ni Luke sa panayam ng GMA.
Aniya pa, “I’m more of du’n sa styling kasi sobrang hanga ako sa out of the box styling na ginagawa sa mga K-pop artist, e. ‘Yung confidence nila du’n talaga ako sobrang humahanga sa kanila, na kahit anong ipasuot sa kanila nadadala nila.”
Kuwento pa ng Kapuso hunk, nag-start ang paghanga ni Luke sa K-pop groups noong panahon ng Super Junior at 2ne1 ngunit nito lamang 2018 talaga siya nahumaling sa K-pop fan.
“Yung pakikinig kasi matagal na rin e, like second and a half generation ng K-pop, part ng 2ne1 and Super Junior. Bata pa ako noon.
“I mean nakikisayaw ka, nakikikanta ka pero ‘yung pagiging fan talaga I think nangyari siya 2 to 3 years ago lang. Mas na-appreciate ko na kasi ang mga pinagdaraanan nila as a K-pop artist,” kuwento pa ni Luke.
Dating member si Luke ng grupong #Hashtags na napapanood noon sa “It’s Showtime” at kamakailan lang ay lumipat na rin siya sa GMA at isa na ngang certified GMA Artist Center talent.
Mapapanood na siya very soon sa mga upcoming Kapuso series na “Lolong” at “Never Say Goodbye.”
* * *
Sa kabila ng kanyang talento sa pagpapatawa, anu-ano nga kaya ang pinagdaanan ng comedian na si Mary Jane Vallero o mas kilala bilang si Boobsie upang makamit ang kanyang mga pangarap?
Ngayong Sabado, Aug. 21, muling tunghayan ang nakakakilig at nakakatuwang kuwento ni Boobsie sa episode na “Fat and Furious: The Adventures of Boobsie” sa award-winning drama anthology na “Magpakailanman.”
Dahil likas na may talento sa pagkanta at pagsayaw, sa murang edad ay nakapagtrabaho si Boobsie sa ibang bansa bilang entertainer. Dito niya nakilala si Lito na kanyang naging live-in partner. Makalipas ang halos siyam na taon ay doon na rin nila naisipan magpakasal.
Unti-unting nakilala si Boobsie na nagsimula sa screen name na “Jane B” hanggang sa naging ‘Boobsie Wonderland”.
Ngunit ang mala-fairytale niyang buhay ay ‘di kumpleto kung puro saya lang, sinubukan din ang kanyang katatagan hindi lang bilang komedyante, ngunit bilang isang anak, ina at asawa.
Tampok din sa episode sina Ms. Elizabeth Oropesa, Jay Manalo, Jong Cuenco, Cai Cortez, Tonet Guaio, Kenken Nuyad, Joanna Marie Tan, Prince Clemente at Makee Dulalia.
Muling mapapanood ang kuwento ni Boobsie ngayong Sabado, 7:15 p.m., sa GMA 7.