Robi Domingo
HINDI na ipinagpilitan ng Kapamilya TV host na si Robi Domingo ang kanyang sarili sa larangan ng pag-arte.
Feeling ng binata, baka raw hindi talaga para sa kanya ang acting kaya naman mas nag-concentrate na lang siya sa pagho-host.
Mahigit isang dekada na sa entertainment business si Robi ngunit mas maraming taon ang inilaan niya sa pagiging host ng mga show sa ABS-CBN kesa sa pag-aartista.
“I think it’s not just for me. I am very energetic. You cannot put me in one place. And also number one, the working hours.
“I cannot be in one tent trying to memorize one’s script, trying to analyze my character. I cannot put on one mask lang,” ang paliwanag ni Robi sa chikahan nila ni G3 San Diego.
“As a host, I become myself, I become a writer, a director, a talent coordinator and just play around. Pero sa acting, hirap na hirap ako sa hugot,” pagpapatuloy pa niya.
Samantala, may kaunting pagsisisi naman ang binata na hindi niya ipinagpatuloy ang career niya sa medical field tulad ng kanyang mga magulang.
“When my friends were taking their Hippocratic Oath and nakukuha na nila ‘yung mga license nila, sumama ‘yung pakiramdam ko. Existentialism question na naman.
“Parang iniisip ko, tama ba ‘yung ginawa ko? May purpose ba ‘yung ginawa ko? My mom is a doctor, my dad is a doctor. My lolo is a doctor, my cousins are doctors. Who’s gonna continue the legacy?” chika pa ni Robi.
Ibinandera naman ng TV host ang kanyang pagsaludo sa lahat ng medical frontliners at healthworkers na patuloy na nagpapakabayani ngayong panahon ng pandemya.
“My friends are not happy with the system anymore. They are super tired. Some of my medical college batchmates are super exhausted.
“They feel bad with all the policies. Parang it’s never ending. They signed up to serve pero right now, they are heroes talaga.
“I really salute them. In another world, siguro I would have given myself in the medical field,” lahad pa ng binata.