Bakit biglang nagdesisyon si Lucy Torres na huwag nang kumain ng manok?

Richard Gomez at Lucy Torres

ISA si Leyte 4th District Rep. Lucy Torres-Gomez sa mga local celebrities na hindi tumatanda, hanggang ngayon kasi ay fresh na fresh pa rin ang beauty niya.

Bukod sa kanyang kagandagan,  napanatili rin ng misis ni Mayor Richard Gomez ang kanyang kaseksihan sa nakalipas na mga taon.

Kamakalawa ay nakachikahan ng ilang members ng entertainment media si Congw. Lucy at dito nga niya naikuwento ang kanyang lifestyle ngayong panahon ng pandemya.

In fairness, nakakaaliw talagang kachika ang kongresista dahil game na game rin siya sa pakikipagbiruan sa showbiz press at lahat ng tanong ng mga reporter ay sinasagot niya nang bonggang-bongga.

Nabanggit ni Congw. Lucy na hindi na siya ngayon kumakain ng chicken dahil itinuturing na niyang kaibigan ang mga manok. Natanong kasi siya kung ano ba ang kanyang beauty secrets at hanggang ngayon ay batambata pa rin ang itsura niya.

“There are no secrets really. I think I can just attribute to the fact that maybe five years ago I became really very mindful not so much about what I put on my face or it was more about what I was eating. What I was really put in my body,” sagot ng misis ni Goma.

Aniya, kumakain pa rin daw siya ng meat basta wag lang chicken, “Five years ago I transition into a more healthy way of eating. Not to say na I don’t eat anymore lechon, or chicharon bulaklak or spam, I still do.

“I don’t eat chicken na. Eversince the lockdown, when I got back March of 2020 noong simula ng kasagsagan ng COVID, I had to quarantine for two weeks. I had to isolate for two weeks, so every afternoon I go under the sun with the book. And then, kasama ko iyong mga manok na alaga ni Richard.

“Ito kasing si Richard when he became mayor we live apart. He was based here and I was based in Manila. And we have a big space here in the province. 

“He started with two turtles na pagala-gala lang and then everytime I come home over the weekend, there will be more animals. May mga manok na then may ganza, then may turkey, and then may bees, and then ‘yung aso. And then may baboy.

“We’re like ano here, animal kingdom, nakakatuwa, kasi lahat sila nagkakasundo,” chika pa ng dating TV host.

Samantala, hiningan din si Lucy ang reaksyon sa balitang kino-consider siyang makasama sa tiket nina Ping Lacson at Tito Sotto sa 2022 presidential elections bilang isa sa mga pambato nilang senador.

“I’m very thankful should I decide to run, somebody is willing to adopt me in their slate and in the past naman Tito Sen and Sen. Ping we had the same stand on several issues. 

“I’m thankful siyempre kung sino man ang mag-adopt na slate para tumakbo sa senado is a blessings. And very thankful to the duo of Tito Sen and Sen. Lacson,” sey ni Congw. Lucy.

Pero aniya, wala pa rin siyang desisyon until now kung tatakbo nga siya bilang senador. Pero ang sure na sure na raw ay ang pagtakbo ni Goma bilang congressman sa Leyte, ang puwestong iiwanan niya.

“I never said na I definitely running for senate, it’s an option that is being considered. I’m weighing my options, but I haven’t decided whether I’ll be running for senate or not,” paliwanag niya.

Read more...