Kyle Echarri
NGAYON pa lang ay naiisip na ng Kapamilya young actor-singer na si Kyle Echarri ang pagpasok sa mundo ng politika.
Diretsahang inamin ng binata na posibleng subukan din niya ang maging politician o public servant pagdating ng tamang panahon.
Mukhang sineryoso na nga ni Kyle ang role niya sa hit Kapamilya series na “Huwag Kang Mangamba” bilang bahagi ng pamilya ng mga politiko.
Sa panayam ng ABS-CBN sinabi ng binata na handa na siyang bumoto sa upcoming 2022 elections kasabay ng paghikayat sa lahat ng kabataan na nagpa-register na para makaboto next year.
“I’m going to segue it to I’m 18 now. I am ready to vote. When it comes to bad politics, it really happens in the world today. Not just the Philippines, but worldwide,” ani Kyle.
Patuloy pa niyang mensahe, “Fun fact. For those who don’t know, there’s more millennials in the Philippines than there are registered voters.
“So, if we all register, I think we all have a chance to really have our voices heard. Remember, one vote is very important. It can get you very far,” diin pa ng The Gold Squad member.
Kasunod nito, sinabi nga ng binata na ngayon pa lang ay iniisip na niyang umentra sa politics in the future, “So, that’s where I am. Politics, maybe, I’ll love to do politics in the future when I’m older. Pero siyempre, bata pa ako.”
Sa tanong kung bakit parang gustung-gusto niyang pinag-uusapan ang tungkol sa politika, “When you’re a kid kasi, you don’t realize how important our future is. You know, you don’t realize how one president, one senator, or one congressman can really change our future’s path as a country.”
“And now, my generation is the most awakened generation where they realize we need to talk about these kinds of topics. If you have any way to spread this word, spread it. Why would you keep it quiet,” katwiran pa niya.